ADJUSTMENT SA PRIVATE SCHOOLS ‘DI NA KAILANGAN ANG CHED APPROVAL

ched12

HINDI na kailangan pang humingi ng approval sa Commission on Higher Education (CHED) ang mga paaralang nasa ilalim ng komisyon.

Ito ang sinabi ni CHED chairperson Prospero de Vera kasunod ng pagkakaantala ng pagtatapos ng school year ngayong taon matapos ipatupad ang 1 month class
suspension dahil sa banta ng COVID-19.

Ani de Vera, Waived o hindi na ipatutupad ng komisyon ang ilang regulasyon ng pamahalaan na magpapahirap lamang sa mga eskuwelahang nasa ilalim ng kanilang
pangangasiwa.

Layunin nito na mapadali ang mga gagawing adjustment ng mga pribadong paaralan sa kanilang academic calendar, semester at iba pa.

Aniya, hindi na kailangang humingi ng permiso sa komisyon ang lahat ng mga private school, sa halip impormahan na lang ang commission sa pamamagitan ng liham para
malaman kung paano sila matutulungan.

Sa public briefing sa Malakanyang ay sinabi pa ni De Vera na discretion na ng paaralan kung papaano i-move o pahabain ang kanilang semester. CHRISTIAN DALE

156

Related posts

Leave a Comment