AFP: GIYERA KONTRA TERORISMO, LABAN NG LAHAT

NANAWAGAN kahapon si Armed Forces chief of staff Gen. Gilbert Gapay sa lahat ng mamamayan na tulungan ang Sandatahang Lakas para supilin ang terorismo dahil ang giyera kontra terorismo na nananatiling banta sa demokrasya ay laban ng sambayanang Filipino.

“Terrorism remains a threat to any democracy. We appeal to all freedom-loving Filipinos to join hands with your Armed Forces of the Philippines as we strengthen our efforts to secure our borders and provide a safe environment for Filipinos,” ani Gapay sa kanyang pahayag ngayong Sabado.

Ginawa ni Gen. Gapay ang nasabing pahayag nang dalawin niya ang mga sundalo at mga sibilyang nasugatan sa naganap na kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu na ikinamatay ng 15 katao at dalawang babaeng suicide bomber.

“National security is a shared responsibility that requires trust, respect, and cooperation from the citizenry. Everyone should be aware of their surroundings and report all suspicious persons, doubtful activities, and left behind personal belongings while remaining vigilant at all times,” aniya.

Ayon sa heneral, naniniwala siya na sa tulong ng mamamayan ay kumpiyansa sila na mapagtatagumpayan ang mga hamon nang sama-sama.

“Security is a shared responsibility, one that should be embedded in our consciousness. The Anti-Terror Act of 2020, despite enhancing our capability to prevent such careless hatred, will fail without the mindful cooperation of every Filipino,” ani Lt. Gen. Gapay.

Ayon sa chief of staff, bago ang pagsabog ay target na ng combat operation at intelligence gathering ang mga bandido.

Nagpaabot din ng kanyang pakikiramay si Gapay sa pamilya ng 15 nasawi at 74 na nasugatan sa Jolo twin suicide bombings na nangyari nitong nakalipas na Agosto 24. (JESSE KABEL)

305

Related posts

Leave a Comment