TODO ang suportang ipinapakita ni Agot Isidro para sa franchise renewal ng ABS-CBN. Isa ang aktres sa mga daan-daaang artista na nananalanging maipagpatuloy ng Kapamilya network ang pagbibigay ng kasiyahan, tulong at impormasyon sa bawat pamilyang Pilipino.
“Of course I am with ABS-CBN for twenty eight years. May mga proseso na nangyayari and that a lot of people supporting the granting of the franchise. I’m very positive sa nangyayari,” nakangiting bungad ni Agot.
Madalas na nagpapahayag ng kanyang mga saloobin ang aktres tungkol sa nangyayari sa gobyerno at sambayanan sa social media. Madalas ding nakararanas ng pamba-bash mula sa netizens si Agot dahil sa ilan niyang mga opinyon.
“You know, you will always get naman mga kokontra at mag-bash sa ‘yo, but sa akin, it’s a matter of principle. Prinsipyo ko ‘yon eh and it’s always my opinion, my thoughts. It’s never someone else, it’s not even a corporation, it’s my thoughts. So I think I’m free to express and free to say what I want. So far, okay pa naman, with the bashers, they can just bash me and it doesn’t affect me,” giit niya.
Nilinaw din ni Agot na wala siyang balak na pasukin ang mundo ng politika katulad ng iniisip ng iba. Marami nang humikayat sa aktres na tumakbo sa eleksyon upang magkaroon ng puwesto sa gobyerno.
“Di sana ginawa ko na ‘yon last election. I’m just a tax payer and I am a citizen of the Philippines. So I’m just exercising my freedom and my rights. And ang dami kong ginagawa, ‘Motel Acacia’ (showing) po March 11, ‘Tabing Ilog’ the musical, ‘Ang Lihim ni Ligaya,’” pagtatapos ng aktres.
