NASA kritikal na kondisyon sa pagamutan ang isang aircon technician makaraang pagsasaksakin ng 16 -anyos na estudyante sa Malabon City nitong Lunes ng madaling araw.
Inoobserbahan sa Tondo Medical Center ang biktimang kinilalang si Richard Alto, 31, ng #665 Hernandez St., Brgy. Catmon.
Kasalukuyan namang nasa pangangalaga ng City Social Welfare and Development ang suspek na si alyas “Adrian,” kalugar ng biktima.
Nabatid sa imbestigasyon nina P/SSgt. Ernie Baroy at P/SSgt. Jose Romeo Germinal, alas-12:30 ng gabi, naglalakad ang biktima sa Hernandez Street nang pagsasaksakin ng suspek sa iba’t ibang parte ng katawan sa hindi pa nabatid na dahilan.
Mabilis na isinugod ang biktima ng kanyang live-in partner sa naturang pagamutan habang kusang vloob namang isinuko sa pulisya ng kanyang ama ang suspek. (FRANCIS SORIANO)
153
