(NI AMIHAN SABILLO)
ISANG buwan na magsasanay ang mga kawani ng Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) para makapagsalita ng Mandarin para makatulong sa kanilang mga tauhan na maresolba ang mga kaso ng kidnapping na kinasasangkutan ng mga Chinese national na nagtatrabaho sa Pilipinas
Ayon kay PNP AKG Spokesperson P/LtC. Elmer Cereno, malaking matitipid sa pagsasanay ng nasa 20 na kawani ng AKG kaysa sa mag hire sa tuwing nangangailangan ng interpreter.
Per Hour o kada oras umano ang bayad sa mga interpreter sa tuwing magkakasa sila ng rescue operation o di kaya’y may maaarestong Tsino na sangkot sa kidnapping.
Sinabi pa ni Cereno na magpapadala sila ng dalawa hanggang tatlong tauhan sa China para mag-aral ng Mandarin course sa loob ng tatlong linggo kung saan, sasagutin ng Chinese consul ang gastusin para rito.
Sa ngayon ay aabot na sa 56 ang naitalang kaso ng kidnapping na kinasasangkutan ng mga Tsino mula noong 2017 hanggang 2019 kung saan, 120 kidnapping suspects na ang kanilang naaresto.
337