KAHIT may mga tumututol, marami pa ring pumapabor sa e-sabong o electronic sabong.
Ito ‘yung pinaka-modernong paraan ng pagpapanatili ng tradisyon ng mga Pilipino.
Matagal nang libangan ang sabong kaya nakapagtatakang inaayawan ito ng ilang sektor.
Pero taliwas sa sinasabi ng iba, iginiit ng isang mambabatas na hindi masama ang e-sabong.
Ayon kay Ako Bisaya Rep. Sonny Lagon, ang larong ito ay nakapagbibigay ng trabaho sa maraming indibidwal at nakatutulong sa pagbuhay ng mga kakabit nitong industriya.
Nakatutulong talaga ang e-sabong.
Talagang pinalalabas lang itong masama ng ilang kritiko.
“I remain in favor of online cockfighting for the simple reason that it helps a lot of people. When properly regulated, it is not the work of the devil; rather it is a usual source of livelihood for poor Filipinos,” wika ni Lagon.
Inihalimbawa ni Lagon ang pagtulong daw ng Pitmaster Foundation sa maraming industriya.
Ang Pitmaster ay nasa ilalim ng United Association of Cockpit Owners and Operators of the Philippines.
Tinututukan ng foundation ni Chairman Charlie “Atong” Ang ang mga naaapektuhan ng pandemya at bagyong Odette.
“Last month, the Pitmaster Foundation distributed 100,000 food packs and hygiene kits to families in Visayas, Mindanao and Palawan that were affected by typhoon ‘Odette’. In the end, these are individuals who know their civic responsibility and have genuine care for their countrymen,” pahayag ni Lagon.
Ayon kay Lagon, namahagi rin ang Pitmaster ng ambulansya at tulong medikal gaya ng dialysis, at wheelchairs, sa mga mahihirap na pasyente sa bansa.
Kaya hindi talaga dapat tinututulan ito.
Kailangan ng tulong ng maraming tao ngayong pandemya.
Naniniwala si Lagon na mayorya ng mga miyembro ng Kamara ay pabor na i-regulate ang e-sabong.
“A lot of people connected to these industries have soldiered on despite receiving next to no amelioration. It’s time for us to lend a hand. Through this kind of legislation, we can do that with a clean conscience,” sabi ng masipag na mambabatas.
Bunga ng COVID-19 pandemic ay nagsara ang tinatayang mahigit sa 3,000 cockfighting arena.
Ang epekto nito, nawalan ng trabaho at pagkakakitaan ang mahigit 60,000 commercial breeders, 30,000 backyard breeders at tinatayang 14,000 poultry supply stores sa buong bansa.
Panawagan ni Lagon, huwag namang demonyohin ang panukalang regulasyon ng e-sabong.
Ang dapat gawin ng mga kritiko ay tumulong upang makatayo ang mga naaapektuhan sa cockfighting industry.
Mas lalo raw nilang pinahihirapan ang mga tao.
Sa halip na makatulong ay waring inilulugmok pa nila sa kahirapan ang ilang sektor.
Ang e-sabong ay maraming nabibigyan ng trabaho at oportunidad.
Saludo po tayo sa Pitmaster na tumutulong sa mga nangangailangan ngayong krisis.
Mabuhay po kayo at nawa’y dumami pa ang inyong lahi!
249
