(NI BETH JULIAN)
IPINAUUBAYA na ng Malacanang sa Department of Justice (DoJ) ang pagpapatupad ng legal na hakbang kaugnay ng P60 milyong TV ads ng Department of Tourism (DoT) sa PTV 4 noong nakaraang taon.
Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang DoJ na ang nakaaalam kung ano ang dapat gawin sa nasabing kaso.
Dahil ayon kay Panelo, may nauna nang utos ang Commission on Audit (CoA) sa magkapatid na Ben at Erwin Tulfo na nasa ilalim ng Bitag Media na isaoli ang milyun milyong pisong ibinayadsa kanila para sa tourism ads.
Ang posisyon umano ng Palasyo, ipatupad at dapat laging sundin ang batas.
Giit ni Panelo, walang sacred cow sa gobyerno, kaibigan man o kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasasangkot.
