NAGPATAWAG ng imbestigasyon si Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles para alamin kung anong aksyon ang ginagawa ng public at private employment services sa gitna ng patuloy na
pagkawala ng trabaho ng mga Filipino dahil sa pandemya sa COVID-19.
“We need to find out whether our own Public Employment Service Office (PESO) and private employment agencies are able to properly respond to the extraordinary circumstances we are
facing and remedy whatever lack these institutions might have,” ani Nograles sa kanyang House Resolution (HR) 1126.
Ang PESO ay naitatag noong 1999 sa pamamagitan ng Republic Act (RA) 8759 na ang trabaho ay tulungan ang mamamayan na makahanap ng trabaho sa may bayad man o wala na employment
agencies sa pribadong sektor na siyang tumutulong sa mamamayan na maipasok ang mga ito sa trabaho.
Ginawa ng mambabatas ang aksyon dahil sumampa na sa 17.7% ang unemployment rate sa bansa na katumbas ng 7.3 milyong jobless na Filipino sa Pilipinas habang tinatayang aabot naman sa
119,000 ang overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho sa ibang bansa.
“Napakahalaga po ng magiging papel ng ating employment services sa hamong hinaharap natin,” anang mambabatas.
“We need to aggressively coordinate with the private sector, academe, and civil organizations for the accumulation of information and aggregation of available jobs,” dagdag pa ng Harvard trained
lawyer.
Interesado rin si Nograles na alamin kung ano ang ginagawa ng PESO sa 264,000 bakanteng posisyon sa gobyerno na malaki ang maitutulong para mabawasan ang walang trabaho o nawalan
ng kayod ngayong may pandemya sa COVID-19.
“Ano na nga ba ang ginagawa ng PESO para ma-inform ang mga kababayan nating nawalan ng trabaho sa mga employment opportunities, at ano ang plano para sa hinaharap? Iyan ang nais at
mahalaga nating malaman,” dagdag pa ni Nograles. (BERNARD TAGUINOD)
275 