Alok ni Duterte TULONG SA PAMILYA NI BREE JONSON

NAG-ALOK ng tulong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamilya ng visual artist na si Bree Jonson, na natagpuang patay sa La Union noong Setyembre 18.

“The President, he definitely expressed help. In fact, siya nga ang nag-forward nitong issue na ‘to dun sa NBI [National Bureau of Investigation] to aid us in investigating kung ano ‘yung nangyari dito sa pagkamatay ni Bree,” ayon kay Atty. Ma Moreni Salandanan sa isang panayam.

Nagsagawa naman ang NBI ng second autopsy at isang parallel investigation sa insidente.

Nauna rio, sinabi ng kapulisan na ang 30-year old artist ay namatay dahil sa asphyxia at nagpositibo sa paggamit ng cocaine.

Ang huling nakasama ni Jonson ay si Julian Ongpin, anak ng bilyonaryo at dating trade minister na si Bobby Ongpin, ay nagpahayag na nag-suicide si Jonson na hindi naman matanggap ng pamilya ng huli.

Ang mga labi ni Jonson ay dinala sa Davao City.

Sa panayam pa rin kay Salandanan, binanggit nito na mayroong “double standard” sa imbestigasyon laban kay Ongpin.

Kinuwestiyon nito ang naging desisyon ng La Union prosecutor sa pagpapalaya kay Ongpin “for further investigation” sa kabila ng presensiya o nakuhaan ng 12 gramo ng cocaine sa hostel room nito. (CHRISTIAN DALE)

96

Related posts

Leave a Comment