ANAK NG BILYONARYO NO BAIL ANG ASUNTO

NAKATAKDANG sampahan anomang oras mula ngayon ng kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act si Julian Ongpin matapos marekober ng mga rumespondeng pulis ang droga sa silid ng hotel kung saan umano nagpakamatay ang nobya nitong si Bree Jonson sa La Union nitong nakaraang buwan.

Makaraan ang masusing pag-aaral, inirekomenda ng mga itinalagang state prosecutors mula sa Department of Justice ang paghahain ng kasong paglabag ng Section 11 ng Republic Act 9165 si Ongpin, na anak ng isang kilalang bilyonaryong nagmamay-ari ng isang isla sa lalawigan ng Quezon at ilang matataas na gusali sa Metro Manila.

“The panel of prosecutors assigned to conduct the preliminary investigation of the complaint entitled PNP San Juan, La Union vs. Julian Roberto S. Ongpin as per Department OrderNo. 229 dated 24 September 2021, issued resolution dated 18 October 2021 and resolved to indict the respondent Julian Roberto Ongpin y Stone for Possession of Dangerous Drugs under Section 11 of Republic Act no. 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”

“The criminal information against Mr. Ongpin will be filed at the Regional Trial Court, San Fernando City, La Union. The same information states that the offense is non-bailable,” saad ng isang pahinang kalatas na ipinalabas ng Department of Justice.

Base sa salaysay ng San Juan municipal police station sa La Union, nagkalat sa silid ang mga drogang tumimbang ng 12.6 gramo ng cocaine at iba pang paraphernalia nang pasukin nila ang silid kung saan tumambad ang katawan ng walang malay si Jonson, isang tanyag na alagad ng sining.

Gayunpaman, nagawang makalaya ni Ongpin sa loob lamang ng 24 oras dahil sa umano’y depektibong kasong inihain ng pulisya sa piskaya.

211

Related posts

Leave a Comment