NAIS ni TRABAHO Party-list nominee Nelson “Kagawad Nelson” de Vega na magkaroon ng angkop na kabuhayan para sa mga nakatatanda sa ginanap na “Ugnayan sa Barangay” sa Lungsod ng Kalookan noong ika-17 ng Marso, 2025.
Ayon sa kagawad, mas magiging epektibo ang mga ipapanukalang batas para sa senior citizens kung ang mga ito ay naaangkop sa kanilang mga kakayahan.
Sang-ayon dito, ipinagmalaki ni de Vega ang masigasig na pagbisita ng mga TRABAHO nominee sa iba’t ibang barangay sa buong Pilipinas upang personal na makipag-ugnayan sa senior citizens at talakayin ang kanilang post-retirement opportunities.
“Kaya dapat tulungan natin ang mga senior citizen na makapaghanapbuhay pa po, na naaayon sa kanilang kakayahan,” pagdidiin ng kagawad.
Dumalo rin sa Ugnayan sina Konsehal Atty. Bullet Prado, Konsehal King Echiverri, Konsehal Onet Henson, at Konsehal Win Abel para talakayin ang kani-kanilang mga plataporma at proyekto para sa mga taga-Caloocan.
Bukod sa Calookan, dumako rin sa Marikina si de Vega kung saan napabatid niya rin na ang TRABAHO Party-list ay naniniwala na dapat hindi inaalisan ng karapatan na makapaghanapbuhay ang lahat ng Pilipino, lalung-lalo na ang ating mga senior citizen at PWD [persons with disability].
Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, ang mga senior citizen ay mamamayan na edad 60 pataas at ang kanilang populasyon ay hindi bababa sa 9,242,121.
