BAGAMA’T tinanggap ang apology ng mga vloggers na inimbestigahan NG House Tri-Committee, sinabi ng isang mambabatas na hindi ito sapat kung hindi titigil ang mga ito sa pagpapakalat ng kasinungalingan.
Ito ang iginiit ni Manila representative Bienvenido Abante Jr., na isa sa mga pumilit sa ilang vloggers na mag-sorry dahil sa kanilang post tulad ng ‘mass resignation’ sa hanay ng Philippine National Police (PNP) noong hulihin si dating pangulong Rodrigo Duterte at dalhin sa The Hague sa Netherlands.
“These apologies are a start, but they are not enough. If these vloggers are truly sincere, they must stop spreading lies and start presenting the truth—not their so-called ‘truth’—but the real, honest-to God truth,” ayon sa mambabatas.
Magugunita na humingi ng apology ang vlogger na si Krizette Laureta Chu dahil sa kanyang post na nagkaroon umano ng mass resignation at Mary Jane Quiambao Reyes dahil naman sa kaniyang ipinakalat na ‘mass hoax’ ang mga extrajudicial killing (EJK) noong kasagsagan ng ‘war on drugs’ ni dating pangulong Duterte.
Maging ang vlogger na si Mark Anthony Lopez ay nag-apologize din dahil sa kanyang sinabi na maging ang Pilipinas ay gumamit ng water cannon laban sa mga Chinese sa West Philippines Sea na ikinagalit ng mga mambabatas.
Inamin ng mga ito sa Tri-Comm na wala silang hawak na dokumento na nagpapatunay na tama o totoo ang kanilang mga post at ibanase lamang ito ng mga ito ang nabasa din nila sa online kaya napilitan ang mga ito ng humingi ng apology.
“If they are truly sorry, they should use their platforms now to correct the misconceptions they promoted. Say what is true. Describe what really happened. Acknowledge the pain of the victims’ families,” pinunto ni Abante.
“We’re not just talking about social media posts. We’re talking about narratives that erase the suffering of victims, distort history, and protect impunity,” dagdag pa ng mambabatas.
(PRIMITIVO MAKILING)
