ANTI-CORRUPTION WALK, PRAYER RALLY ISINAGAWA

MAHIGIT 2,000 residente ng Balagtas, Bulacan ang nakiisa sa anti-corruption walk at prayer rally na pinangunahan ng San Lorenzo Diakono at Martir Parish Church at BCBP Bulacan East Chapter, bilang panawagan na wakasan ang korapsyon sa gobyerno kaugnay ng isyu ng ghost flood projects. (ELOISA SILVERIO)

NASA halos 2,000 residente mula sa hanay ng Christian Catholic business group sa bayan ng Balagtas, Bulacan ang nagsagawa ng anti-corruption walk at prayer rally upang ipahayag ang kanilang pagtindig kontra korupsyon kaugnay ng isyu sa ghost flood control projects sa bansa, nitong Sabado, Oktubre 4.

Ang kilos protesta ay inorganisa ng San Lorenzo Diakono at Martir Balagtas Parish Church sa pangunguna ni Parish Priest – Msgr. Angel Santiago, pakikipagtulungan ng Brotherhood of Christian Businessmen and Professionals (BCBP) Bulacan East Chapter kasama ang iba pang samahan ng Katolikong Kristiyano na kinabibilangan ng mga delegado mula sa Parish Pastoral Council – Executive Board, Lay Ministers, Altar servers, Lectors, Commentators, Music Ministry, Apostoles

Apostolado ng Panalangin, Legion of Mary, Catholic Women’s League,

Mamamasan ng Poong Jesus Nazareno, Ina ng Laging Saklolo, Knights of Columbus, Adorador/Honorarias, Mahal na Birhen ng

Lourdes, Ugnayan at Tipanan, San Jose na Manggagawa, Inmaculada Conception, El Shaddai Children of Light, Mother Butler, World Apostolate of Fatima, Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa, Commission on Youth, Sub Parish Pastoral Council of

San Juan – Highway.

Nagsimula ang aktibidad sa isang Banal na Misa sa Parokya ng Balagtas bago isinagawa ang anti-corruption walk and prayer rally mula sa Barangay Wawa sa Manila North Road patungo sa Municipal hall ng Balagtas.

Ayon kay BCBP- Bulacan East Chapter Head Ariel Roque, ang kanilang prayer rally ay upang ipaabot ang kanilang saloobin ng pagkondena sa maanomalyang ghost flood control projects na kinasasangkutan ng government officials, DPWH at private contractors.

Ang BCBP advocacy ay patuloy sa pagpapaalala na ang bawat indibidwal ay maging “Tapat Dapat” o Be Honest.

Mababatid na ang bayan ng Balagtas ang siyang may pinakamalaking pondong inilaan sa flood control projects sa buong lalawigan ng Bulacan na umabot sa P3.59-billion.

Kabilang dito ang Barangay Panginay at Wawa na may P1,372,100,374.41; Barangay San Juan na may P781,714,453.44; Barangay Longos – P130,947,451.75; Barangay Puling Gubat- P290,996,636.63; Barangay Santol – P464,441,590.59; Barangay Dalig – P319,568,707.61.

Layunin ng kilos-protesta na mapanagot at maipakulong ang lahat ng sangkot sa nasabing flood control project’s anomalies.

29

Related posts

Leave a Comment