Apela sa mga magulang PASLIT HUWAG MUNANG IPASYAL

NANAWAGAN ang Malakanyang sa publiko lalo na sa mga magulang at guardians na huwag palabasin ang mga bata o isama sa mga pasyalan lalo na kung ang lugar ay dinudumog ng mga tao.

Kaugnay ito ng patuloy na pagdagsa ng tao sa kontrobersyal na Manila Baywalk Dolomite Beach.

Katwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque, nasa panahon pa rin ng pandemiya ang bansa kaya’t hindi pupuwede na magpasyal-pasyal ang mga bata lalo na sa matataong lugar.

“Well, unang-una po, ang mga bata talagang for essentials lang po na dapat lumalabas ng kanilang mga tahanan ‘no. So hindi pa po pupuwede talagang magpasyal-pasyal ang mga bata,” ayon kay Sec. Roque.

Nananawagan din si Sec. Roque sa kapulisan sa Maynila na ipatupad ang social distancing.

“Talaga naman po ang Dolomite eh for the enjoyment of everyone, pero huwag naman hong maging dahilan ‘yan para magkaroon tayo ng superspreader event,” ang pahayag ni Sec. Roque.
Nauna nang nagbabala si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na maaaring maging superspreader event ito lalo’t may banta pa rin ng COVID-19 partikular ang Delta variant. (CHRISTIAN DALE)

227

Related posts

Leave a Comment