ARTE PARTY-LIST LUMAKAS SA PANUNUMPA NG BAGONG 2ND NOMINEE

BINATI nina Lloyd Peter Lee, unang nominado ng ARTE party-list at asawa nitong si beauty queen Shamcey Supsup Lee si Cathy Bariga bilang ikalawang nominado ng ARTE PL.

PORMAL na tinanggap ng ARTE party-list official ang pagbibitiw at pag-withdraw ng pangalawang nominado nito dahil sa personal, propesyonal, negosyo na dahilan.

Inihayag ng unang nominee na si Lloyd Peter Lee ng ARTE Party-list ang pag-withdraw ng nominasyon ng 2nd nominee na si Anne Sambillon- Bernardo.

Ani Lloyd Lee sa publiko, ang bagong 2nd nominee ay si Cathy S. Bariga (dating secretary general ng organisasyon).

Nabatid na si Bariga ay may malawak na ugnayan sa iba’t ibang people’s organization at artist group na may presensya sa Calabarzon, Bicol Region, Bulacan at Northern Luzon.

Ginanap ang pagtitipon ng political leaders ng ARTE Party-list kasabay ng oath-taking nitong Marso 05 sa One San Miguel Bldg., Pasig City.

Ang Arte Party-list ay nagbigay ng ilang pangunahing rekomendasyon sa patakaran, kabilang ang pagtatatag ng isang pambansang konseho ng sining upang i-streamline ang pagpopondo at pagsuporta sa mga programa para sa mga artista. Nagsusulong din sila para sa mas malakas na proteksyon sa mga karapatan sa intelektwal na ari-arian upang maiwasan ang pandarambong at matiyak ang patas na kabayaran para sa trabaho ng mga artista. Higit pa rito, nanawagan sila para sa paglikha ng mas madaling magagamit na mga programa sa pagsasanay at pagpapaunlad upang mapahusay ang mga kasanayan at kakayahan ng mga artistang Pilipino. (JULIET PACOT)

7

Related posts

Leave a Comment