ASEAN-CHINESE BUSINESS LEADERS SUMMIT, TARGET NG MGA NEGOSYANTE

TARGET ng malalaking grupo ng mga negosyante at mangangalakal na samantalahin ang gaganaping “ASEAN-Chinese Business Leaders Summit” sa bansa para maisulong ang turismo at makaakit ng maraming mamumuhunan sa bansa.

Nabatid na magsisilbing host ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) sa nakatakdang “ASEAN-Chinese Business Leaders Summit” na gaganapin mula Oktubre 18–20 sa Metro Manila,” dahil sa pagiging chairman ng Pilipinas sa ASEAN 2026, na pagkakataon upang higit na makaakit ng dayuhang pamumuhunan (Foreign Direct Investment) at mapalago ang sektor ng turismo.”

“Bilang pagpapatuloy sa unang summit na ginanap sa Petaling Jaya, Malaysia noong 2025—na dinaluhan ng 600 delegado mula sa iba’t ibang panig ng Asya at kung saan ginawaran si Dhanin Chearavanont, Senior Chairman ng Charoen Pokphand Group (CP Group) ng Thailand, ng ASEAN Honorable Business Icon Award, layunin ng pagtitipon sa Maynila na itaguyod ang pribadong sektor bilang tulay sa pagitan ng Timog-Silangang Asya at pandaigdigang mga pamilihan.”

“This is a golden opportunity to showcase the best of the Philippines,” pahayag ni FFCCCII president Victor Lim.

Sinabi pa ng taga pangulo ng FFCCCII, “As we mark the fifth anniversary of the ASEAN-China Comprehensive Strategic Partnership and harness the RCEP, our message is clear: The Philippines is open for business and ready to welcome the world.”

Ayon kay Victor Lim, “Ang Summit na ito ay nakatuon sa pagpapalakas ng dayuhang pamumuhunan, pagpapalawak ng dalawang-panig na kalakalan, at pagbibigay-daan sa mas malawak na partisipasyon ng mga MSME sa mga rehiyonal na value chain.”

“Higit pa rito, nagsisilbi itong makabuluhang plataporma upang itaguyod ang turismo—isang paanyaya sa ating mga delegado na tuklasin at maranasan ang mayamang kultura at magagandang destinasyon sa Pilipinas, hindi lamang bilang mga potensyal na mamumuhunan, kundi bilang mga kaibigan ng ating bayan na patuloy na babalik at magbibigay-buhay sa ating ekonomiya,” sabi pa ni Lim.

Naniniwala ang FFCCCII na magsisilbi rin itong estratehikong plataporma upang itaguyod ang turismo, humikayat sa mga delegado na maranasan ang kultura at mga magagandang destinasyon sa bansa.

“Every delegate is a potential tourist and a potential investor,” ani Lim. “Let us unite in extending the highest level of hospitality. This is our moment for the country to shine.”

(JESSE RUIZ)

5

Related posts

Leave a Comment