Asia and Oceania Boxing OQT: PETECIO, MAGNO BIGO

NABIGO sa kanilang assignment sa Asia and Oceania Boxing Olympic Qualification Tournament sa Jordan ang mga Pinay boxer na sina Nesthy Petecio at Irish Magno.

Natalo si Petecio kay Sena Irire ng Japan sa kanilang women’s featherwieght fight sa split decision.

Nabigo rin si Magno laban kay Mary Kom ng India sa unanimous decision sa quarterfinals ng women’s flyweight division.

Ngunit may pag-asa pa rin sina Petecio at Magno na mag-qualify sa Olympics kung mananalo sila sa World Olympic Qualifying Tournament sa Paris, France sa Mayo.

151

Related posts

Leave a Comment