NAGKATRABAHONG muli ang dating magkasintahan na sina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz sa isang bagong pelikula.
Ayon sa aktres, masaya naman ang kanyang karanasan kahit na maikli lamang ang kanyang role dito.
“Actually it’s not my film with John Lloyd. I’ll answer it once and for all para hindi na tayo humaba pa. It’s not my film with him, it’s his film. It’s a Ricky Lee material. It’s called ‘Servando Magdamag.’ It’s directed by Lav Diaz. Cameo lang po ako,” paglilinaw ni Shaina.
Masayang-masaya ang aktres dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho si John Lloyd pagkatapos nilang maghiwalay bilang magkasintahan noong 2012.
“At first before shooting the film, ang disposition ko was okay gagawin ko ‘to for the love of Lav Diaz. But by the last shooting day, I’m happy that I can now say that I was able to support not just my director Lav Diaz also my friend, John Lloyd,” dagdag niya.
Hindi raw inakala ni Shaina na muli silang magkikita at magkakasama pa ni John Lloyd sa isang magandang proyekto.
“I did not see it coming, really. Whenever you would all ask me. Hindi ko kasi siya nakitang possible na mangyayari. But I guess may mga chance encounters pa rin talaga tayo sa buhay and naibigay ‘yung opportunity. It was okay, I’m happy that I was able to support Lav and my friend,” pagbabahagi ng aktres.
Ayon pa sa dalaga, talagang malaki na ang ipinagbago ni John Lloyd ngayon kumpara noong magkasintahan pa sila.
“It’s so nice because we’re different people now. Obviously we’re both very happy with our respective lives pero maliit lang talaga ang mundo ng showbiz. Gano’n talaga ‘yon eh,” pagtatapos ni Shaina.
