NAMAHAGI ang ATEACHER nominee at philanthropist na si Virginia Rodriguez ng mga bigas, veggie vitamins, mga libro at organikong pataba sa daan-daang magsasaka at kanilang pamilya sa Catanauan, Quezon, bilang bahagi ng kanyang adbokasiya na matulungan ang mahihirap na pamilyang Pinoy.
Si Rodriguez ay siya ring nangungunang advocate ng anti-cancer agricultural products sa Pilipinas, sa pamamagitan ng paggamit ng organikong pataba na natuklasan ng mga Filipino scientists.
Daan-daang magsasaka at indigent families sa Bgy. San Antonio Pala, Catanauan, Quezon ang nakatanggap ng saku-sakong bigas, pake-pakete ng anti-cancer veggie vitamins, organic fertilizers at mga libro.
Ang mga librong ipinamahagi sa mga magsasaka, na may titulong “Leave Nobody Hungry,” na inakda mismo ni Rodriguez, ay nagpapakita ng modernong agricultural technique, advanced agricultural technology, paggamit ng organic fertilizers, rice production, at iba pa.
Ang naturang libro ay kapaki-pakinabang, hindi lamang sa mga magsasaka kundi maging sa mga mag-aaral upang mahikayat silang magsaka, dahil ang agrikultura ay makapagpapalakas sa ekonomiya ng bansa, sa pamamagitan nang pagkakaloob ng trabaho, dagdag na kita at kalakalan.
“It also provides raw materials for other sectors, such as manufacturing and processing,” aniya.
Ipinunto rin niya na ang mekanisasyon ay makatutulong upang matugunan ang tila nawawala nang interes ng anak ng mga magsasaka sa pagsasaka.
Sinabi pa ni Rodriguez na, “the children of farmers do not want to plant palay manually anymore, because with mechanization, they will be once more attracted to their farms and will be operating the machines themselves from planting to harvesting.”
“With mechanization and the use of organic fertilizers, our farmers could increase their production from four metric tons to six metric tons per hectare. That means a 50-percent increase in their production and income,” aniya pa.
Dating journalist na naging negosyante, si Rodriguez ang tanging partylist nominee na nagsusulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng kanser sa Pilipinas, gayundin ng modernisasyon ng agrikultura, at pagtulong sa mahihirap na magsasaka at kanilang pamilya.
“Helping the poor is my advocacy, and I am actively working to improve the lives of people experiencing poverty by supporting policies, programs, and initiatives that address the root causes of poverty, aiming to provide them with better access to basic needs like food, shelter, healthcare, education, and economic opportunities,” pahayag pa ni Rodriguez.
14