MAG-UUNAHAN sa huling silya sa quarterfinals ng UAAP Season 84 women’s volleyball tournament ang Adamson University (AdU) at nagtatanggol na kampeong Ateneo De Manila University (ADMU), Sabado ng hapon sa Mall of Asia Arena.
Nakapuwersa ng decider game para sa No. 4 spot ang AdU sa pagtala ng 25-23, 17-25, 25-16, 26-24 win kontra No. 2 De La Salle University noong Huwebes.
Inaasahang bibitbitin ulit ni Trisha Genesis ang Lady Falcons tulad nang ginawa niya kontra DLSU nang kumamada ng 20 puntos mula sa 19 hits at isang ace, habang si Lucille Almonte ay nagtala ng 14 puntos mula sa 12 kills kasama ang 20 excellent receptions.
Bumawi naman ang Ateneo sa kabiguan sa unang set bago tinalo ang University of the Philippines, 19-25, 25-11, 25-18, 25-19.
Tiyak na muling sasandalan ng Ateneo si Faith Nisperos na nagtala ng 19 puntos mula sa 16 attacks, 2 blocks at 1 ace, gayundin si AC Miner na may 17 markers mula sa 8 kill at 9 na attacks sa huli nilang laro.
Sasandigan din ng Ateneo si Vanie Gandler, pumalo ng 14 puntos at Erika Raagas, nag-ambag ng 12 puntos sa pagtatapos ng eliminasyon.
Parehong may 8-6 panalo-talong record ang Adamson at Ateneo.
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)