ATENEO ‘DI KONTENTO

SA kabila ng three-set sweep sa University of the Philippines, 25-13, 25-17, 25-23, kamakalawa ay hindi pa rin kuntento ang Ateneo Lady Eagles sa kanilang inilaro.

Para kay senior Lady Eagle na si Kat Tolentino, “good” ang panalo nila laban sa Lady Maroons ngunit hindi sila dapat makontento na lamang.

Ayon sa kanya, marami pa silang dapat ayusin ngayong UAAP Season 82 lalo’t sila ang defending champion.
“We’re still trying to defend the crown and like coach [Oliver Almadro] said, just because we won last year doesn’t mean that it’s the same this year. So we’re going to continue working,” giit ni Tolentino.

Muntikan nang nakawala ang third set sa Lady Eagles nang mula sa 19-15 na abante ay nagsimulang mag-init ang Fighting Maroons partikular si Issa Molde na nagpalamang sa UP, 19-20.

Ngunit sa pamamagitan ng block ni Tolentino kay Molde ay animo naselyuhan ang pagwawagi ng Ateneo, 24-21.

“I was just telling them to finish it right, because we’re in the third set and it’s the last one,” sambit ni Tolentino na kumamada ng 15 points sa naturang panalo. “I told them to not let up and to just finish it right there and there, basically show no mercy.”

 

144

Related posts

Leave a Comment