NAGSUMITE na ng counter affidavit si Charlie “Atong” sa Department of Justice nitong Biyernes ng hapon kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero.
Sinabi ni Atty. Gabriel Villareal, legal counsel ni Ang, inihain ang kontra-salaysay ng kanyang kliyente sa National Prosecution Service sa DOJ.
Ayon pa kay Villareal, ginawa nila nang mas maaga ang paghahain ng kontra-salaysay upang maiwasan ang kaguluhan sa pagdinig lalo pa’t mahigit 61 ang respondents sa kaso.
Kabilang sa nakapaloob sa counter affidavit ni Ang ang denial o pagtanggi sa pitong kaso na inihain laban sa kanya — ang kidnapping, murder, forced disappearance, direct bribery at passport tampering.
Nakapaloob din ang mahahalagang ebidensya kabilang ang video na nagpapakita umano kay “Don Don” na kasama ang isa sa mga nawawalang sabungero.
Ayon kay Villarreal, umabot sa labing-walong pulgada ang kapal ng counter affidavit at may kasamang USB file ng mga ebidensya.
Pinaaga ng DOJ ang hearing mula Nobyembre 3 patungong Oktubre 21 upang mapabilis ang proseso.
(JOCELYN DOMENDEN)
