2 CHINESE TIMBOG SA ILLEGAL MEDICAL PROCEDURE

KALABOSO ang dalawang Chinese national na nagsasagawa umano ng medical procedure nang walang kaukulang lisensya at permit sa isang wellness facility sa Taguig City.

Ayon kay CIDG Director Police Major Gen Robert Morico II, sinalakay ng mga tauhan ng CIDG-Anti Organized Crime Unit ang Rise Salon and Spa sa Fort Palm Spring sa nasabing Lungsod.

Inabutan ng mga awtoridad ang dalawang suspek na isang babae at isang lalaki na kapwa Chinese national, na nagsasagawa ng facial injection sa isang pasyente bilang bahagi umano ng isang medical procedure.

Dito na hinanapan ng mga awtoridad ng permit at rehistro ang dalawang banyaga, subalit bigo silang magpakita ng kaukulang lisensya upang magsagawa ng iba’t ibang medical procedure dahilan upang sila ay arestuhin.

Sinamsam ng mga pulis sa clinic ng mga suspek ang mga injectable, cosmetic products, hair removal at magnetic therapy machines, at iba pang gamit-medikal sa naturang spa.

(TOTO NABAJA)

42

Related posts

Leave a Comment