DOH PINAIIMBESTIGAHAN SA SENADO

doh

PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Leila De Lima sa Senado ang ulat na pagkabigo ng Department of Health (DOH) at iba pang ahensya ng pamahalaan na ipatupad ang contact tracing laban sa COVID-19. Sa inihaing Senate Resolution no. 457 ni De Lima, nais nitong imbestigahan ang panibagong kabiguan ng DOH para masolusyunan ang pagkalat ng nasabing virus. “The problem of contact tracing remains a persistent issue that needs to be addressed as it gravely affects the government’s ability to formulate an effective public health response to the pandemic,” sabi nito. “An investigation…

Read More

POGOs, HUWAG NANG PIGILANG UMALIS

HINDI na dapat pang habulin ng gobyerno ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na nais nang lumabas ng bansa dahil sa isyu sa pagbubuwis. Ito ang binigyang-diin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kasabay ng pagsasabing malinaw ang mga batas para sa pagbubuwis. Binigyang-diin nito na dapat magbayad ang mga POGO ng franchise at withholding taxes at dapat din nilang bayaran ang P50 bilyon nilang utang. Hinikayat din nito ang Bureau of Internal Revenue na ipatupad ang closure order sa mga delingkwenteng kumpanya. Samantala, hinimok ni Senador Risa Hontiveros ang…

Read More

IMEE, DUDANG KAYANG SIMULAN ANG KLASE SA AUG. 24

DUDA si Senador Imee Marcos na kakayanin na ng Department of Education (DepEd) na simulan ang klase para sa school year 2020-2021 sa August 24. Sa Zoom press conference sa Senate Media, sinabi ni Marcos na dapat maging tapat ang DepEd kung kailan nila kakayanin ang pagbubukas ng klase. “We already told the DepEd, magkaisa kayo. Sabihin lang, magpakatotoo kayo, sabihin sa amin kung kailan ba talaga ‘yan. Kasi sa tingin natin two months to go, two months before the deadline, hindi pa talaga ready,” saad ni Marcos. Nilinaw naman…

Read More

RALLY KONTRA ILOILO BROWNOUT HINARANG

BINARIKADAHAN kahapon ng Manila Police District (MPD) ang buong Padre Faura sa Maynila matapos makatanggap ng impormasyon ukol sa kilos protesta na isasagawa ng consumer group na Ilonggo Consumers Movement sa harap ng tanggapan ng Supreme Court (SC). Ayon kay MPD Station 5 Commander Lt Col. Ariel Caramoan, may 55 pulis ang kanilang dineploy sa lugar para magbantay laban sa mga raliyesta. Aniya, mahigpit na ipinagbabawal sa Inter Agency Task Force (IATF) Omnibus Guidelines ang pagsasagawa ng anomang protesta kaya naman kung magpupumilit ang grupo ay kanilang aarestuhin at maaaring…

Read More

May namamatay kada 48-hours CEBU CITY EPICENTER NA NG COVID-19

MAY nakikitang pangangailangan sa mas mahigpit na pagpapatupad ng mga hakbangin sa Cebu city dahil ito ngayon ang itinuturing na focal point o epicenter ng COVID-19 pandemic. Sinabi ni National Task Force on COVID Chief implementer Carlito Galvez na mataas ang severe at critical cases duon na kung saan ay within 48 hours ay may namamatay na severe cases na aniya’y maituturing na alarming. Sa ngayon ay 19 na barangay ani Galvez ang kanilang binabantayan at ginagamitan pa aniya nila ito ng drone at helicopter. Sa kabilang banda, cooperative naman…

Read More

Masamang imahe ng NAIA burahin na – solon AIRPORT SA PINOY HINDI KAY NINOY

NAIA-7

IPINAGTANGGOL ng isa sa mga mambabatas ang kanilang panukalang palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil kailangang pangalan ng sambayanang Filipino ang makilala sa main gateway ng Pilipinas bukod pa sa dapat nang mabura ang masamang imahe nito. Ayon kay ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap, bagama’t hindi umano nila isinasantabi ang kontribusyon ni dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino III sa bansa, ang Sambayanang Filipino aniya dapat ang makilala sa buong mundo at hindi ang pangalan ng dating senador lamang. “We just deem it more appropriate for our…

Read More

PRESYO NG LANGIS TATAAS MULI

AARAY na naman ang mga motorista sa nakatakdang pagdaragdag sa presyo ng langis ngayong linggo. Inaasahang ipatutupad bukas ang oil price hike ng mga kumpanya ng langis. Sa pagtaya ng fuel company na Unioil, maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 ang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel. Habang P0.40 hanggang P0.50 naman sa gasolina. Mula May 5 hanggang June 27, 2020, aabot na sa P9.60 ang itinaas sa kada litro ng gasolina; P5.75 sa diesel at P8.50 sa kerosene. (DAVE MEDINA) 283

Read More

Paglilinaw ng DILG sa kampanya kontra COVID-19 HEALTH WORKERS NASA BATTLEFRONT, HINDI MILITAR

NILINAW ni Interior Secretary Eduardo Año na ang Inter-Agency Task Force on COVID-19 at hindi military ang nasa battlefront ng kampanya ng gobyerno laban sa coronavirus particular sa Cebu. “Hindi naman talaga military ang approach kasi it is led by the IATF . . . Kasama lang ang security forces dito, kasi ECQ (enhanced community quarantine),” paliwanag ni Año. Aniya, mga doktor, nurses at medical health workers pa rin ang taagang nasa forefront na lumalaban sa coronavirus pandemic. “Anywhere you look even in other countries . . . Kasama talaga…

Read More

IBA PANG VIRUS, PAGHANDAAN – PDU30

KUMBINSIDO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kailangan na ring paghandaan ang ilan pang infectious disease na posibleng umusbong sa gitna ng nararanasan pa ring problema sa COVID-19. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ng Chief Executive na maaaring gawin ang kaukulang paghahanda sa pamamagitan ng research and capacity-building pagdating sa health technology development. Aniya, nakikita rin ng Punong Ehekutibo na kailangan nang paganahin ang ASEAN Center for Biodiversity. Malaki umano ang maiaambag nito upang labanan ang wildlife trafficking na makapipigil sa pagkalat ng revent zoonotic diseases. Ilang malulubhang…

Read More