SUMUNOD KAY LOLA SA TINDAHAN; 3-ANYOS NAHAGIP NG MOTORSIKLO

CAVITE – Nagsisisi ang isang lola na hindi man lamang siya lumingon dahil sumunod pala sa kanya ang 3-anyos niyang apo na nahagip ng rumaragasang motorsiklo habang siya ay tumatawid sa kalsada sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito. Hindi umabot nang buhay sa Manas General Hospital ang biktimang si “JR” ng Brgy. Halayhay, Tanza, Cavite. Hawak na ng pulisya ang driver ng motorsiklo na si Marlu Centeno, 22, ng nasabi ring barangay. Sa ulat ni P/MSgt. Richard Tumanguil ng Tanza Police Station, dakong alas-9:30 kamakalawa ng gabi ng mangyari…

Read More

BULACAN NO. 4 MWP NAKORNER SA RAPE

BULACAN – Natimbog ang isang senior citizen na number 4 Most Wanted Person (MWP) sa lalawigang ito dahil sa  11 counts ng kasong rape, makaraang matagpuan ng Tracker Team ng Bocaue police ang kanyang pinagtataguan sa Barangay Poblacion, sa bayan ng Bocaue sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles. Base sa report ni P/Lt. Col. Rizalino Andaya, Bocaue police chief, kay P/Col. Emma Libunao, Provincial Director ng Bulacan PNP, kinilala ang suspek na si Eligio Huligangan y Biernes, 62, residente ng Barangay Bagumbayan sa nasabing bayan, nakapiit na sa  Bocaue Municipal Jail…

Read More

MAG-INA,1 PANG BATA PATAY SA TRUCK

LAGUNA – Kaunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang mag-ina at ng isa pang bata matapos na masagasaan ng isang humaharurot na truck habang naglalakad sa gilid ng highway sa   Manila east road, Barangay Sulib, Pangil, Laguna nitong Huwebes ng madaling araw. Hindi umabot nang buhay sa ospital ang mga biktimang sina Elma Tonel Garcia, 25; anak na si Athena Eljey Tonel Garcia, 5, at ang 7-anyos na si Carl Justine Montegrande Macuñal. Sugatan din sina Gretchen Barrera Tonel, 29, at ang nanay ni Carl Justine na si Giselle Montegrande Macuñal,…

Read More

PINATAYAN NG ILAW; LALAKI PINALAKOL NG ANAK

PANGASINAN – Sugatan ang isang lalaki nang palakulin ng sariling anak matapos patayin ng biktima ang ilaw sa kanilang bahay sa bayan ng San Jacinto sa lalawigang ito. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, biglang pinatay ng biktima ang ilaw na naging dahilan upang magalit ang kanyang anak. Sa tindi ng galit ng suspek, pinalakol niya ang kanyang ama. Giit ng ama, aksidente lamang niyang napatay ang ilaw. Agad namang tumakas ang suspek matapos ang insidente habang malubha ang kalagayan ng biktima sa pagamutan. Ayon sa pulisya, matagal nang may alitan…

Read More

TUTOL SA KA-LIVE-IN NG ANAK, PINAGHIWALAY; KONTRABIDANG BIYENAN GINILITAN

QUIRINO – Patay ang isang ginang makaraang gilitan ng kinakasama ng kanyang anak matapos silang paghiwalayin at hindi ipakita ang mga apo sa suspek, iniulat nitong Huwebes ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Mercedes Cabatic, 54-anyos, residente ng Barangay San Antonio, Aglipay, Quirino. Habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Rustom Dingli, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Pinaripad Sur, Aglipay, Quirino. Batay sa report ng Aglipay Police Station, nangyari ang insidente sa bahay ng biktima. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagtanim ng galit ang…

Read More

TOP NPA FINANCE OFFICER NAPATAY

BUTUAN City – Patay ang isang finance officer ng New Poeple’s Army sa tri-boundary ng Davao-Caraga-Northern Mindanao Regions, sa ikinasang Inter-Agency Law Enforcement Operation sa lungsod na ito. Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Philippine Army chief Lt/Gen. Gilbert I. Gapay, napatay sa  law enforcement operation si Manuel G. Magante alyas Jino/Saldo, finance officer ng  Regional Operations Command at kasalukuyang pinuno ng Intelligence Special Operations Group ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC). Naneyutralisa ng mga tauhan ng Philippine Army at local police si Magante sa isinagawang operasyon sa kamakalawa ng…

Read More

LEGAL AID PROGRAM SINANG-AYUNAN NG GRUPO NG MGA ABUGADO; REP. NOGRALES SUPORTADO

UMANI ng suporta sa lahat ng legal groups ang panukala ni Rizal Rep. Fidel Nograles na magkaroon ng komprehensibong legal aid program sa lahat ng law schools upang matulungan ang mahihirap na mamamayan na may problemang legal. Sa pagdinig ng House committee on justice sa House Bill (HB) 2993 o Legal Aid Program Act of 2019 na inakda ni Nograles, nais nitong magkaroon ng “Legal Aid Clinic” sa lahat ng law schools, hindi lamang sa private schools kundi lalo na sa State Universities and Colleges (SUCs). “Kailangan nating tulungan ang PAO…

Read More

TUBID, SMB HIWALAY NA

WALA nang babalikan pa si Ronald Tubid sa San Miguel Beer. Ito’y makaraang mag-expire ang kontrata ng 38-anyos na si Tubid nitong Enero, nang hindi na inoperan pa ng panibagong kontrata ng SMB. Si Tubid ay kabilang sa tatlong Beermen na sinuspinde (indefinitely) ng management dahil sa gulong kinasangkutan sa praktis ng team noong Governor’s Cup. Bukod sa kanya ay nasuspinde rin sina Arwind Santos at Kelly Nabong, habang ang central figure sa skirmish na si import Dez Wells ay tuluyang nilayasan ang Beermen, dahilan para maunsiyami ang grandslam bid…

Read More

MARCELITO POMOY PASOK NA SA ‘AGT: THE CHAMPIONS’ GRAND FINALS

ANG grand winner ng second season ng “Pilipinas Got Talent” na si Marcelito Pomoy ay pasok na sa grand finals ng “America’s Got Talent: The Champions.” Napahanga ulit ni Mars (nickname ng dual-voiced singer) ang judges, live audience at maging ang viewers around the world sa kanyang flawless rendition ng “Con Te Partiro (Time To Say Goodbye)” na pinasikat ng bulag na operatic singer na si Andrea Bocelli. Una itong ni-record ni Bocelli noong 1995 (solo), pero mas sumikat ito nang i-record niya bilang duet kasama si Sarah Brightman noong…

Read More