COTABATO City – Pinagbabaril ang isang barangay tanod ng isang hindi kilalang mga suspek habang bumibili ng mantika, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lungsod na ito. Kinilala ang biktimang si Herman Villar Estrellanes, 54-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Bagumba, Midsayap, Cotabato. Batay sa report ng Midsayap Police Station, habang bumibili ng mantika ang biktima sa isang tindahan nang biglang sumulpot ang mga suspek at siya ay pinagbabaril. Pagkaraan, mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Northern Kabuntalan, Maguindanao. Agad dinala sa…
Read MoreAuthor: admin
BIGTIME NA TULAK ANAK NG EX-COP
BULACAN – Arestado ang isang hinihinalang bigtime drug pusher na lalaki na anak ng dating pulis, matapos mahulihan ng iba’t ibang uri ng armas at shabu sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Cullianin sa bayan ng Plaridel sa lalawigang ito, nitong Martes ng hapon. Kinilala ni Bulacan PNP provincial director, Col. Emma Libunao ang arestado na si Israel Jake Buhain, 35, nakatira sa nasabing lugar. Ayon kay Libunao, bandang alas-2:30 ng hapon nang salakayin ng Plaridel Police, sa pangunguna ni P/Lt. Col. Victorino Valdez, hepe ng nasabing himpilan, kasama…
Read MorePARAK PATAY SA PUNONGKAHOY
BATANGAS – Patay ang isang pulis nang bumangga ang sinasakyan niyang motorsiklo sa nakatumbang punongkahoy sa bayan ng Alitagtag sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si P/Ssgt. Rex Catapang, 36-anyos, imbestigador ng Alitagtag police, Nalagutan ng hininga ang biktima habang isinusugod sa Martin Marasigan District Hospital sa bayan ng Cuenca dahil sa grabeng pinsala sa ulo at katawan. Batay sa report, pabalik na sa police station ang pulis galing sa pagresponde sa isang kaso nang mangyari ang insidente sa national highway sa Barangay Pinagkurusan dakong ala-1:20…
Read MoreDOKTOR DINUKOT SA KLINIKA
SULU – Nagkasa ng rescue operation ang special unit ng militar para sagipin ang isang doktor makaraang dukutin sa kanyang klinika ng hindi kilalang mga suspek na nagpanggap na mga pulis at militar, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa bayan ng Jolo sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Dr. Daniel Moreno, ng Barangay Walled City, Jolo, Sulu. Batay sa report ng Western Mindanao Command, dakong alas 7:00 nitong Martes ng gabi nang dukutin ang biktima ng apat na lalaking nakasuot ng uniporme ng pulis at militar Ayon sa militar, isinakay…
Read MorePAHINANTE NAATRASAN, PINAGKAPEHAN
PINAGLALAMAYAN na ang isang pahinante makaraang maatrasan ng truck nang hindi mapuna ng driver nitong Martes ng hapon sa Valenzuela City. Binawian ng buhay habang ginagamot sa Global Pacific Hospital si Sherwin Calilap y Cruz, 34, may asawa, ng Brgy. Colonia Gabihan, San Ildefonso, Bulacan. Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng truck na si Ronaldo Navarro y Cruz, 23, ng #424 Brgy. Gabihan, San Ildefonso, Bulacan. Nangyari ang insidente dakong alas-2:40 hapon sa Sitio St., 6071 Omnicrete Corp. Compound, Ugong, Valenzuela City Inaaalalayan umano ng biktima…
Read More4 MAGKAKATROPA HULI SA P10-M SHABU
ARESTADO ang magdyowang hinihinalang tulak ng ilegal na droga kasama ang dalawa nilang dabarkads, kabilang ang isang estudyante, nang bentahan ng shabu ang isang undercover cop, at nakumpsikahan ng mahigit P10 milyong halaga ng umano’y shabu sa Malabon City nitong Miyerkoles madaling-araw. Ibinalibag sa makahiwalay na selda ang live-in partners na sina Jhay Camposano y Acain, 31, dati nang nakasuhan dahil sa ilegal na droga, Rizza Mae Pabon y Umbajin alyas Maymay, 20-anyos. Dinampot din sa nasabing operasyon sina Remel De Jesus y Tamayo, 29 at Jufirst Soguilon y Geronimo alyas…
Read More1 PATAY, 13 SUGATAN SA ARARO NG JEEP
PATAY ang isang tricycle driver habang 13 iba pa ang sugatan makaraang araruhin ng isang pampasaherong jeep ang apat na sasakyan sa Brgy. Fortune, Marikina City nitong Martes ng umaga. Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Marikina/San Mateo Bridge, malapit sa Rolling Hills ng nasabing Barangay dakong alas-9:30 na nagresulta sa pagkamatay ni Michael Panuncio y Villasis, 36, at ikinasugat ng 11 pasahero ng pampasaherong jeep at sa driver ng pangalawang tricycle na inararo nito. Kinilala ang mga sugatan na sina Nestor John Antiquera,19; Clarence Gutirrez y Victorino, 17; Vilma Gineto y…
Read MoreGUSTONG PUMUTI PATAY SA GLUTA
NAMATAY ang isang 33-anyos na babaeng gustong pumuti makaraang turukan ng beauty enhancer na “Glutathion” at Ascorbic Acid Vitarex-C, sa Sampaloc, Manila dakong 3:00 ng hapon nitong Lunes. Kinilala ang biktimang si Shyrill Gee Distor y Empas, empleyado at residente ng 1091 Crisostomo St., Sampaloc. Base sa ulat ni Det. Allan Lingcong na isinumite kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, nangyari ang insidente dakong 3:00 ng hapon noong Pebrero 3 sa Glutaholics Spa sa #1434 Prudencio St. kanto ng Maria Clara St., Sampaloc, Manila. Ayon sa…
Read MoreREP. RIVERA SWAK SA HK QUARANTINE
Bumiyahe sa Hong Kong hindi pinauwi sa Pinas IBINUKO ng chairman ng House committee on Metro Manila Development na si Manila Rep. Manuel Luis Lopez na isang miyembro ng mababang kapulungan ng Kongreso ang naka-quarantine sa Hong Kong. Sa pagdinig ng nasabing komite sa novel coronavirus (nCoV), sinabi ni Lopez na kasalukuyang naka-quaratine sa Hong Kong si CIBAC party-list Rep. Domingo Rivera. “Isang congressman na nagngangalang Doming Rivera. Siya po ay kasalukuyang naka-quarantine din po sa Hong Kong and he is representing party-list CIBAC,” pahayag ni Lopez. Inamin naman ni…
Read More