DADAMI ang pulubi sa lansangan sa sandaling magkaroon na ng bakuna sa China made virus na COVID-19 at alisin na ang community quarantine sa Metro Manila at mga mauunlad na lungsod sa bansa. Teka, itong made in China na COVID-19 ang hindi peke kaya matindi ang naging epekto nito sa buong mundo. Hindi tulad ng mga gadgets at kagamitan na gawa rin sa nabanggit na bansa pero kadalasan ay peke kaya hindi nagtatagal. Ngayon pa lamang, marami ng jeepney drivers ang namamalimos sa mga lansangan dahil hindi na sila makapamasada.…
Read MoreAuthor: admin
DE LIMA MULING UMAPELA NA MAKALAHOK SA ONLINE SESSION NG SENADO
MULING umapela si Senador Leila M. de Lima sa Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 205 na irekonsidera ang naunang desisyon nito na tumatabla sa kanyang omnibus motion upang makalahok sa Senate session sa pamamagitan ng teleconferencing sa loob ng kanyang kulungan sa PNP Custodial Center sa Quezon City. Sinabi ni De Lima sa pitong-pahinang Motion for Reconsideration na inihain nitong Hunyo 22, hiniling nito sa korte na pinamumunuan ni Judge Liezel Aquitan na ikonsidera ang June 17 Joint Order na tinatapos ang kanyang apela na lumahok sa Senate…
Read MoreSENADO IIMBESTIGAHAN ANG PWD CARD ISSUANCE
IIMBESTIGAHAN na ng Senado ang naglabasang ulat ng pang-aabuso at pamemeke sa persons with disabilities (PWD) card sa bansa. Sinabi ni Senador Sonny Angara, isa sa may-akda ng Republic Act 10754 o ang batas na nagbibigay ng mas malawak na benepisyo at pribilehiyo sa mga PWD, na napapanahon nang pag-aralan muli ang pagpoproseso sa pamamahagi ng PWD ID cards dahil nagagamit na ito sa panloloko. Sa inihain nitong Senate Resolution No. 455, sinabi ni Angara na ang pagkalat ng pekeng PWD ID cards ay hindi na bago ngunit muling naungkat…
Read MoreP6.8-M SHABU NASAMSAM SA ANTIPOLO
NASAMSAM ng pinagsanib na pwersa ng Rizal PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang P6.8 million halaga ng shabu sa buy-bust operation sa lungsod ng Antipolo kagabi. Nadakip sa operasyon ang suspek na kinilala ni PDEA Dir. Gen. Wilkins Villanueva na si John Lennon Tadena, alyas “Lin”, 23-anyos, residente ng Zontaville, San Isidro. Nakumpiska sa suspek ang tinatayang isang kilo ng shabu na may market value na P6.8 million at tatlo pang sachet ng pinatuyong marijuana. Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of…
Read MoreDOTr, LTFRB binira sa paghihirap ng commuters NCR KULANG NG 58K JEEPNEY
KUMBINSIDO si Senadora Grace Poe na hindi makatao ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung ipipilit nilang modernong dyip lang ang papayagan nilang pumasada. “Hindi makataong ipilit ang modernisasyon lalo na kung marami sa ating mga jeepney driver ang kumakalam ang sikmura dahil hindi nakakapasada,” tirada ni Poe, pinuno ng Senate Public Services Committee. Pahayag ito ni Poe matapos na modernong dyip lamang ang pinayagan ng DOTr at LTFRB na pumasada simula nitong Hunyo 22. Si Secretary Arthur Tugade ang…
Read MoreIloilo LGU umaksyon sa nakawan ng kuryente CRACKDOWN VS JUMPER
NAGBANTA si Iloilo City Mayor Jerry Treñas na mananagot sa batas ang mga nasa likod ng pagnanakaw ng kuryente sa nasabing lungsod na itinuring nito bilang isa nang “organized business”. Ang banta ay ginawa ni Treñas matapos mahuli sa akto ang dalawang suspek na sina Nazareno Pagayon, 54, isang barangay tanod at Jason Mark Gualin, 26, kapwa residente ng Brgy. Yulo Drive, Arevalo, Iloilo City, na nagtatanggal ng electric meter ng More Electric and Power Corporation (More Power). Sa interogasyon, inamin ng dalawang suspek na kanilang tinatanggal ang metro base…
Read MoreRAMON ‘AGIMAT’ REVILLA SR. PUMANAW, 93
SUMAKABILANG BUHAY na ang aktor at dating senador na si Ramon Revilla Sr. sa edad 93. Mismong si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang naghayag ng balita sa kanyang Facebook live ngayong hapon. “Wala na po ang tatay ko, please pray for him,” emosyunal na pahayag ng senador. Sa Facebook Live din ipinakita ni Senator Revilla ang eksena sa hospital room matapos pumanaw ang ama. Noong May 31 ng gabi nang isugod sa ospital ang nakatatandang Revilla matapos makaranas ng hirap sa paghinga. Ilang araw din itong namalagi sa ICU…
Read MoreApela ni PDu30 sa ASEAN leaders TENSYON SA SOUTH CHINA SEA ‘WAG GATUNGAN
HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa lahat ng lider na nakiisa sa 36th ASEAN Summit na iwasan dagdagan pa ang tensyon sa usapin ng South China Sea. Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na makabubuting ang lahat ay sumunod sa kanilang responsibilidad sa ilalim ng international law, lalung-lalo na sa 1982 UN Convention on the Law of the Sea. Hinimok ng Pangulo ang lahat ng bansa na sumunod sa rule of law at sa mga commitment aniya nila sa international instruments kasama na ang 2002 Declaration on the…
Read MoreMAAYOS, LIGTAS NA DYIP PINABABALIK SA LANSANGAN
INIHAYAG ni Senador Grace Poe na kapag nakapasa sa roadworthy test ang alinmang tradisyunal na pampasaherong dyip, dapat na itong payagang pumasada sa kanilang ruta upang punan ang pangangailangan sa transportasyon ng commuters sa Metro Manila habang patungo sa pinaluwag na quarantine. Sa pahayag, sinabi ni Poe na dapat tumutupad ang alinmang dyip na ibabalik sa lansangan sa mga usaping pangkaligtasan at health protocols upang malimitahan ang banta ng pagkahawa sa corona virus 2019 (COVID-19). Ayon sa chairperson ng Senate committee on public services na lubhang nakararanas ng paghihirap ang…
Read More