MAS ligtas gamitin ang modern jeepney kumpara sa tradisyunal na pampasaherong jeep. Nitong Lunes ay umarangkada na ang mga modernized jeepney sa ilang ruta sa Metro Manila. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bago pinayagang lumabas sa lansangan ang mga modern jeep ay pinag-aralan itong mabuti ng Inter-Agency Task Force (IATF). “Safe, kasi nakaupo lang sila sa isang direksiyon, at lahat nakaharap lamang at mayroong social distancing para rin po ‘yan bus,” ani Sec. Roque. Kinuwestiyon ni Sec. Roque ang pahayag ng IBON Foundation na mapanganib ang paggamit ng modern…
Read MoreAuthor: admin
COVID SA PINAS ABUTIN KAYA NG 40K SA JUNE 30?
MUKHANG magkakatotoo ang “forecast” ng University of the Philippine (UP) na aabutin ng hangganng 40,000 ang COVID-19 cases sa bansa pagsapit ng Hunyo a-30. Sinabi ni Prefessor Guido David ng UP Institute of Mathematics, sa isinagawang press briefing kamakailan ang projection nila ay base sa kasalukuyang takbo ng COVID-19 data. Noong nakaraang June 10 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 ay nasa 23,732 na. Sa naturang bilang ay may nakarekober na 4,895 at 1,027 ang namatay. Nitong June 21, labing isang (11) araw ang nakalipas ay naging 30,052 na…
Read MoreLENI ROBREDO AT KAPANGYARIHAN
SUMULPOT na naman ang pangalan ni Bise Presidente Ma. Leonor “Leni” Rodredo kamakailan kung saan ang isyu ay tungkol sa kanyang dapat na maging papel sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF). Ang isyu ay kung magiging pinuno ba si Leni sa IATF o hindi – habang ang bansa ay kasalukuyang sinasalanta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Walang problema kung maging laman ng balita si Robredo, sapagkat siya ay Pangalawang Pangulo ng bansa at dahil kabilang siya sa oposisyon, siya ang lider ng dilawang grupo o Liberal Party…
Read MoreBIRTH PAINS SA E-EDUCATION
MAY kasabihan tayo na may birth pains sa mga bagong gagawin natin lalo na kung wala pa tayong karanasan at ngayon lang natin ito gagawin. Kaya tiyak na maraming birth pains sa virtual education na pansamantalang ipapatupad ng Department of Education (DepEd) habang nasa gitna tayo ng COVID-19 pandemic. Walang gustong isugal ang kaligtasan ng mga bata at mga teachers sa COVID-19 kaya sa kanilang bahay mag-aaral ang mga kabataan sa pamamagitan ng teleconferencing. Kapag ipinatupad na ‘yan simula sa Agosto 24, diyan na maglalabasan ang mga birth pains lalo…
Read MoreSHIPPING NG RELIEF GOODS SA PANAHON NG KALAMIDAD, PINALILIBRE
ISINUSULONG ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. na tanggalin ang ipinapataw na shipping fees ng transport service providers upang matiyak ang sapat at mabilis na paghahatid ng relief goods sa mga nasalantang lugar sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa inihaing Senate Bill No. 1560, o ang Relief Goods Free Transportation Act, sinabi ni Revilla na layon nito na makapagbigay ng libreng freight services ng relief goods sa mga lugar na idineklarang nasa state of calamity ng Pangulo o ng local government unit (LGU). “Mas madalas kesa hindi na ang…
Read MoreMORE nagkasa ng imbestigasyon SABOTAHE LUMUTANG SA ILOILO CITY BROWNOUT
LUMAKAS ang ispekulasyon na pananabotahe ang dahilan ng naranasang magkakasunod na power interruption noong Sabado, June 20, sa Iloilo City matapos na rin lumitaw na nagkaroon ng misteryosong magkakasabay na loose connections sa Feeder 4 network ng Mandurriao Sub Station na nagresulta sa hindi inaasahang brownout. Sa isang statement, sinabi ng More Electric and Power Corp (MORE Power) na kanila nang iniimbestigahan ang nangyaring power interruption ngunit hindi nila isinasantabi na sabotahe ang nangyari lalo kung pagbabatayan ang nakababahalang isinumiteng report ng Power Response Team(PRT) na rumesponde sa insidente. Ayon…
Read MorePAGSASANAY SA URBAN FARMING MULING BINUKSAN
INIHAYAG ni Sen. Cynthia Villar, advocate ng urban gardening, na muling binuksan ang Villar SIPAG Farm School sa Bacoor at nagsimula na ulit ang pagsasanay sa agricrops production na pansamantalang isinara noong Marso sanhi ng lockdown. Itinayo ni Villar, chairperson ng Committee on Agriculture and Food at director ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG), ang mga farm school sa Las Pinas at San Jose del Monte City sa Bulacan para isulong ang agrikultura sa urban areas. Matatagpuan ang unang Villar SIPAG farm school na pinasinayan…
Read MorePDU30 MANGANGALAP NG OPINYON UKOL SA ANTI-TERRORISM BILL
NGAYONG linggo ay inaasahan nang makatatanggap si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng mga opinyon mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan hinggil sa legalidad ng batas na naglalayong palakasin ang anti-terrorism campaign ng bansa. Sa ngayon, tanging ang Department of Justice at ang Office of the Chief Presidential Legal Counsel pa lang ang nagpadala ng kanilang komento hinggil sa kontrobersiyal na batas, na sinertipikahan naman ni Pangulong Duterte bilang urgent. Inaasahan naman na magbibigay ng legal opinion ang Office of the Executive Secretary. “Hindi ko po alam kung talagang nabasa…
Read MoreSolon sa BIR INSENTIBO HINDI BUWIS SA ENTREPINOYS
MULING inupakan ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa plano nitong buwisan ang mga online entrepinoy sa halip na bigyan ng insentibo dahil umaagapay sila sa pagbangon ng ekonomiya. Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na dapat tulungan ang maliliit na online entrepinoys sa bansa sa pamamagitan ng paglalaan ng dagdag na puhunan at iba pang tulong pinansiyal upang mapalago ang kanilang negosyo. Sinabi ni Gatchalian, dapat isama ang mga online seller sa microfinancing program ng Small Business Corporation (SB Corp.) upang mabilis na makabangon sa…
Read More