BULACAN – Patay ang hinihinalang drug dealer at kanyang live-in partner makaraang manlaban sa pinagsanib na mga operatiba ng Bulacan Provincial Intelligence Branch(PIB) at Pulilan police habang nakorner 21 iba pang drug suspects sa lalawigang ito noong Martes. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang napatay na suspek na si Froilan Orillos y Carlos, at ang kinakasama niyang si Leah Lucas y Talastas. Base sa report ni P/Major Jansky Andrew S. Jaafar, acting chief ng Bulacan PIB, dakong ala-1:10 noong Martes ng hapon nang magkasa ng…
Read MoreAuthor: admin
3-ANYOS NA – HIT AND RUN SA HIGHWAY
QUEZON -Patay ang 3-anyos na paslit makaraang masagasaan ng SUV sa national highway sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon. Hindi umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Yolanda Hanapin Lazona nang mahagip ng Toyota RAV 4 na minamaneho ni Jericksm Jay Mendoza, 34, residente ng Sampaloc, Manila. Batay sa report ng Tagkawayan police, patungong direksyon ng Bicol ang suspek at tinatahak ang kahabaan ng Quirino highway nang pagsapit sa barangay Rizal ay biglang tumawid ang bata. Grabeng napinsala ang ulo at katawan ng biktima…
Read MoreMEKANIKO BUMULAGTA SA SUNTOK
CAVITE – Nawalan ng ulirat at nalagutan ng hininga ang isang 50-anyos na mekaniko makaraang suntukin sa mukha ng nakaalitang tricycle driver sa Imus City sa lalawigang ito. Dead on arrival sa South East Asian Medical Center ang biktimang si Jose Jerito Eva, biyudo, ng Block 23, Lot 36m Parang St., Brgy. Magdalo, Imus City, habang arestado naman ang suspek na si Mark David Domanog, 26, binata, ng B-26, L-30, Benitez St., Los Pinos Subd., Bahayang Pag-Asa, Pasong Buaya 2 Imus City. Sa ulat ni P/SSgt. John Carlo Punzalan ng…
Read MoreSEKYU TODAS SA PLASTIC NA BUBONG
CAVITE – Patay ang isang 24-anyos na security guard makaraang lumusot at mahulog mula sa rooftop ng isang gusali nang tumapak sa plastic na bubong sa bayan ng Silang. Hindi umabot nang buhay sa UMC Hospital sa Dasmarinas City ang biktimang si Jake Manaligan, tubong Negros Occidental, naka-duty sa Taifini Company Inc, at residente ng Navarro St., Brgy. San Gabriel General Mariano Alvarez (GMA), Cavite . Sa ulat ni P/SMSgt. Glenn Soriano ng Silang Municipal Police Station, dakong alas-9:00 ng umaga noong Martes umakyat ang biktima sa rooftop ng gusali…
Read More9 CURFEW VIOLATORS PINALANGOY SA KANAL
DAVAO City – Umalma ang siyam na mga lumabag sa curfew hours sa Sitio San Antonio, Brgy. Agdao nitong lungsod matapos silang palangoyin sa isang maruming kanal noong Lunes ng gabi, Hunyo 1. Naging emosyonal sina Zosimo Uyanguren at Eric Enguillo sa panayam ng media, dahil sobra umano ang parusa sa mga pulis na nakahuli sa kanila. Hindi rin matanggap ng single father na si Frederick Matias ang ginawa sa kanila ng mga awtoridad kahit aminadong lumabag sila sa curfew hours dahil sobra umano ang ginawang parusa sa kanilang kasalanan.…
Read MoreSa hindi pagbibigay ng kompensasyon sa healthworkers BAYANIHAN LAW, NILABAG NG DOH
MALINAW na lumabag sa Bayanihan to Heal as One Act ang Department of Health (DOH) dahil sa hindi pa rin pagkakaloob ng kompensasyon sa mga healthworker na namatay at tinamaan ng COVID 19. Ipinaalala ni Lacson na bukod sa tig-P1 milyon na kompensasyon sa 32 healthworkers na namatay, dapat pa ring ibigay ng DOH ang special Risk Allowance sa government health workers; Free medical expenses sa public at private health workers; at P100,000 allowance sa public at private health workers na tinamaan ng virus. “This makes us wonder: How can…
Read MoreSUSPENDED LANG ANG VFA TERMINATION – MALAKANYANG
“NAPAKALALIM ng sagot ko dyan, I defer to SFA.” Ito ang tugon ni Presidential spokesperson Harry Roque sa utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na suspendihin ang pagkalas ng Pilipinas mula sa Visiting Forces Agreement nito kasama ang US. “Antayin nyo, bukas kami mag-uusap ni Presidente,” ayon kay Sec. Roque. Inamin ni Sec. Roque na dalawang linggo na niyang alam ang usaping ito ngunit wala siyang narinig mula sa Chief Executive ukol dito. “Alam mo, alam ko na yan two weeks ago, pero I did not hear it from the…
Read MoreANTI-HOARDING AT PANIC BUYING MEMO, PLANONG ALISIN NA NG DTI
PINAG-AARALAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtanggal ng limitasyon sa pagbili ng ilang piling produkto na ipinatupad noon sa kasagsagan ng pandemya. Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, masusi nilang pinag-aaralan ang pagtatanggal ng ilang hakbang para iwasan ang hoarding at panic buying bunsod na rin ng hiling ng ilang negosyante. “We have been receiving requests from manufacturers and retailers, both na i-lift na po natin ang ating anti-hoarding at anti-panic buying memorandum circular… We are studying if we will remove the purchase limit na. Si Sec.…
Read MoreDALUYAN NG TUBIG SA CALAMBA, NAGPOSITIBO SA POLIOVIRUS
NAGPOSITIBO sa poliovirus ang daluyan ng tubig sa pagitan ng Bgy. Bucal at Bgy. Halang, sa Calamba City, Laguna. Ito ang lumabas sa isinagawang pagsusuri ng mga eksperto. Sinabi ng Sangguniang Barangay ng Bucal, ang ilat o ligasong na pumapagitna sa dalawang barangay, o ang tubig mula sa Pamana Homes papuntang Laguna de Bay, ay nagpositibo sa poliovirus matapos ang isinagawang pag-aaral ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO). “Kami po ay humihingi sa inyo ng lubos na pakikiisa na huwag munang bumaba (lumusong) o pumunta sa nasabing lugar…
Read More