Bilang isang animal welfare advocate, labis akong nalulungkot at nagagalit sa sinapit ng mga aso at pusa na natagpuang itinapon sa Bulacan.
Hindi lamang ito kawalan ng respeto sa dignidad ng mga hayop, kundi isang matinding paglabag din sa tiwala ng mga pet owner na ipinagkatiwala ang kanilang mga minamahal na alaga sa isang serbisyong nangakong aalagaan ang mga ito nang maayos hanggang sa kanilang huling hantungan.
Nakikiisa po ako sa mga pet owner na naghahanap ng kasagutan. Nawa’y mabigyang-linaw ang buong pangyayari at mapanagot ang sinumang mapatutunayang may sala.
#JusticeForOurFurbabies #JusticeForPets #BulacanPetDumping #AnimalWelfarePH
57 