EKONOMIYA NG BANSA, KORAPSIYON SA GOBYERNO PINATUTUTUKAN

INAASAM ng mas nakararaming Pilipino na tutukan ng husto ng pamahalaan ang pagpapabuti sa ekonomiya ng bansa gayundin ang pagsugpo sa umano’y lumalalang korapsiyon sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno. Ito ang lumabas sa isinagawang independent at non-commissioned survey ng PUBLiCUS Asia Inc., ang PAHAYAG 2023-Q2, kung saan sa 1,500 respondents nasa 17% ang nagsabing ang ekonomiya ang pinakamahalagang isyu na dapat bigyang pansin kasunod ang korapsiyon (14%). Ang 13% naman sa mga ito ang nababahala sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin gayundin ang inflation, habang 12% ang nais…

Read More

5 PULIS TINUTUGIS SA ROBBERY EXTORTION

NAGPALABAS na ng kautusan si Manila Police Director , Police Brigadier General Andre Perez Dizon kay Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, commander ng Sampaloc Police Station 4, para sa manhunt operation laban sa limang miyembro ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) na umano’y sangkot sa robbery extortion sa isang computer shop sa panulukan ng Matumyas at Susan Streets, Barangay 52, Sampaloc, Manila. Ayon kay Police Major Philipp Ines ng Public Information Office (PIO), iniutos ng heneral na iharap sa kanya ang limang tauhan ng DPIOU at ang isang sibilyan.…

Read More

CHINA NAGMATIGAS VS ARBITRAL RULING

TAHASANG inihayag kahapon ng China na hindi nila kikilalanin ang arbitral ruling na inilabas ng Arbitral Tribunal na pumapabor sa Pilipinas dahil nilalabag nito ang United Nation Convention on the Law of the Sea at general international law. Binakbakan din nito ang United States na siyang mastermind sa pagkaladkad sa iba pang mga bansa para magmukhang masama ang China sa isyu ng South China sea claims. “The Arbitral Tribunal gravely violated UNCLOS and general international law. The award is illegal, null and void. China does not accept or recognize it,…

Read More

HOLDAPER NASILO SA FOLLOW-UP

NABITAG sa inilatag na manhunt operation sa isang lalaking umano’y nangholdap sa isang 23-anyos na e-trike driver sa Juan Luna Street, Gagalangin, Tondo, Manila nitong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si Sonny Boy Isleta, 32, jobless, ng Barangay 182, Gagalangin, Tondo. Nabatid sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Wilfredo Fabros Jr., commander ng Manila Police District – Raxabago Police Station 1, bandang alas-1:00 ng madaling araw nang holdapin ng suspek ang biktimang si “Alvin”, at tinangay ang halagang P700 kita sa pamamasada, at ang e-trike ng biktima…

Read More

2 NABITAG SA DRUG BUST

MAHIGIT P300,000 halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa inilatag na buy-bust operation nitong Huwebes ng madaling araw sa Malate, Manila. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, commander ng Manila Police District – Malate Police Station 9, ang dalawang suspek na sina Joel Boco, at Rolando Hicks Jr., kapwa 42-anyos at residente ng Malate, Manila. Base sa ipinarating na ulat ni Police Major Salvador Iñigo Jr., hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), bandang alas-12:10 ng madaling araw nang ikasa ang…

Read More

SERBIDORA TINAGA NG SELOSONG LOVER

HALOS maputol ang braso ng isang 46-anyos na serbidora sa isang canteen, nang tagain ng kanyang kinakasama nitong Huwebes ng madaling araw sa North Harbor, Barangay 128, Tondo, Manila. Nahaharap ang suspek na si Jairos Gonzales, 23, truck driver, at stay-in sa Tifela and Cruismate Trucking, sa kasong physical injuries in relation to RA 9262 (Anti-Violence against Women and Their Children Act). Desidido namang magsampa ng reklamo ang biktimang si “Emily”, ng naturang lugar. Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Wilfredo Fabros Jr., commander ng Manila Police District-Station 1,…

Read More

STAFF NG ‘LOVE SCAM’ IKINULONG SA OPISINA

CAVITE – Sinagip ng mga operatiba ng Cavite Police ang isang 27-anyos na staff ng isang kumpanya matapos na magreklamo na umano’y hindi siya pinapayagang lumabas sa ipinad-lock na opisina sa bayan ng Silang noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang sinagip ng mga operatiba ng Silang Municipal Police Station na si Rayner Villanueva Sasoy, 27, residente ng Pasay City. Ang pagsagip sa biktima ay bunsod ng impormasyon na natanggap ng Silang MPS sa kanilang Silang SMS hotline number at Facebook Messenger kung saan humihingi ng tulong ang isang lalaking umano’y…

Read More

BINATA BINURDAHAN NG SAKSAK

QUEZON – Patay ang isang binatang helper matapos na umano’y burdahan ng saksak ng kanyang katrabaho sa bukid sa Brgy. Guis-Guis, San Roque, sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Dead on the spot ang biktimang si Romar Dela Peña, 28, ng Brgy. Sta. Catalina Sur, sa bayan ng Candelaria. Ayon sa report ng Sariaya police, nagpapahinga ang biktima sa kanyang tent sa palayan na kanyang pinagtatrabahuan ng puntahan at saksakin ng suspek na si Richard Cardenas alyas “Burdado” sa hindi nabatid na dahilan. Agad namang…

Read More

2 OBRERO NALUNOD SA POSO NEGRO

TAGAYTAY CITY – Kapwa wala nang buhay nang natagpuan sa loob ng poso negro ang dalawang lalaki na hinihinalang hindi na nakaahon at tuluyang nalunod nang ma-suffocate nitong Huwebes ng madaling araw. Pinaniniwalaang may ilang oras nang patay ang mga biktimang sina Julius M. Bitoon, 40, at Jhon Mar Agaton y Avellada, 31, kapwa residente ng Brgy. San Francisco Gen. Trias City, Cavite.  Ayon sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang nakatanggap ng tawag ang Tagaytay CPS hinggil sa dalawa katao na nakitang patay sa loob ng isang poso negro sa Balay…

Read More