EKONOMIYA NG BANSA, KORAPSIYON SA GOBYERNO PINATUTUTUKAN

INAASAM ng mas nakararaming Pilipino na tutukan ng husto ng pamahalaan ang pagpapabuti sa ekonomiya ng bansa gayundin ang pagsugpo sa umano’y lumalalang korapsiyon sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno.

Ito ang lumabas sa isinagawang independent at non-commissioned survey ng PUBLiCUS Asia Inc., ang PAHAYAG 2023-Q2, kung saan sa 1,500 respondents nasa 17% ang nagsabing ang ekonomiya ang pinakamahalagang isyu na dapat bigyang pansin kasunod ang korapsiyon (14%).

Ang 13% naman sa mga ito ang nababahala sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin gayundin ang inflation, habang 12% ang nais na maresolba ang kahirapan (12%) at unemployment (10%) sa bansa.

“The survey, which gathered opinions from a diverse range of demographics, provides valuable insights into the macro and micro concerns of the Filipino population.” Ang paglalarawan pa ng PUBLiCUS Asia Inc. sa resulta ng naturan nilang survey.

Nabatid din sa PAHAYAG 2023-Q2 survey na sa hanay ng 18-24-year-old age bracket, 17% sa mga ito ang mas inaalala ay ang isyu ng kahirapan, habang sa 25-29-year-old demographic, ang pagkakaroon ng trabaho ang pangunahin nilang iniisip.

Sa Mindanao region naman, 8% ng naging participants sa nasabing survey na isinagawa sa pagtian ng June 7 to 12, 2023, ay peace and order ang kanilang ipinanawagan na matugunan ng pamahalaan.

Isa pa sa pangunahing isyu na natukoy ay ang kakulangan sa kinikita kaya bigo umano silang matugunan ang ilang nilang pangunahing pangangailangan (12%), habang 11% ang nagsabing pagkatanggal sa trabaho at epekto ng mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin ang lubos nilang pinoproblema.

Samantala, sa hanay ng senior citizens (60+ years old), na karamihan ay retired employees o kaya’y malapit pa lamang magretiro, ang mataas na presyo ng bilihin at pagpapagamot ang siyang kritikal na isyu para sa kanila.

297

Related posts

Leave a Comment