2 POLICE ESCORT NG DETAINEE NA TUMALON SA CITY HALL SINIBAK

INALIS sa pwesto ang dalawang pulis Maynila na escort ng detainee na tumalon mula sa ikatlong palapag ng Manila City Hall habang iniimbestigahan kung may kapabayaang nangyari. Kitang-kita sa CCTV ang pagtalon sa bintana ni Lyle Adams Fernandez, ng Mangaldan, Pangasinan na nasa likuran ng kanyang mga escort. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, commander ng Manila Police District- Ermita Police Station 5, bandang 11:00 ng umaga nang maganap ang tangkang pagpapakamatay ni Fernandez. Una rito, dinala ang suspek sa piskalya na nasa 3rd floor ng city hall, nina…

Read More

FPRRD, DOC ONG, ERWIN TULFO ‘TOP CHOICES’ SA 2025 SENATE RACE

BAGAMA’T bahagyang bumababa ang popularity rating, nangunguna pa rin si former President Rodrigo Duterte sa hanay ng mga pinagpipilian bilang kandidato sa darating na 2025 Senatorial race. Lumabas sa PAHAYAG 2023 Second Quarter Survey (PQ2), si Duterte ay nakakuha ng 51% rating kumpara sa dating 55% rating, subalit siya pa rin ang ‘top choice in mind’ para sa nasabing halalan kasunod sina Doc Willie Ong at Erwin Tulfo, na kapwa nakakuha ng 44% popularity rating. “Their consistent popularity demonstrates their strong appeal among the electorate.” Ang sabi pa ng PUBLiCUS…

Read More

PAGLAPASTANGAN SA PANANAMPALATAYANG KATOLIKO NG ISANG DRAG QUEEN, KINONDENA

MARIING kinondena nina Senate President Juan Miguel Migz Zubiri at Senador JV Ejercito ang tinawag nitong paglapastangan at nakaiinsultong viral video ng mga tao sa isang bar na ginawang katatawanan ang pananampalataya ng mga Kristiyano. Bukod dito, hindi rin anya nirespeto ang Lord’s Prayer. Sinabi ni Zubiri na ito ay pinakamatinding pag-abuso at maling paggamit ng freedom of expression na maituturing na criminal activity. Idinagdag ng senador na matinding pambabastos ito sa mga Kristiyano at lubos ang paglapastangan sa pananampalataya ng milyon milyong Pilipino. Sa insidenteng ito, maaari anyang magsampa…

Read More

JANITOR NAGSAULI NG PERA

NAIBALIK sa may-ari ang kanyang naiwang wallet sa waiting area ng Bacolod-Silay Airport, ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). Ayon sa nasabing ulat, natagpuan ang brown wallet ng isang Rick John Consul, janitorial staff ng airport, na nakapatong sa communal gang chair sa arrival area ng naturang paliparan. Ayon kay Roel Aranzado, acting manager ng Bacolod-Silay Airport, ang nasabing wallet ay naglalaman ng mga importanteng dokumento, kabilang ang driver’s license, 9,000 pesos Philippine currency at 300 US dollars. Nagpasalamat naman si…

Read More

P35-M NABUBULOK NA SMUGGLED MEAT NASAMSAM

NADISKUBRE ng mga awtoridad ang tinatayang nasa P35 million halaga ng nabubulok na assorted meat products sa sinalakay na warehouse sa Meycauayan, Bulacan. Sa ulat, sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng Department of Agriculture, Bureau of Customs, Philippine Coast Guard at pulisya ang warehouse ng mga umano’y smuggled frozen meat sa Barangay Pantoc, Meycauayan. Sa bisa ng letter of authority mula kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio ay pinasok ng composite team, sa pangunguna ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), ang dalawang improvised cold storage facilities at dito nadiskubre ang…

Read More

2 HVIs ARESTADO SA P4.5-M MARIJUANA

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P4 milyong halaga ng hinihinalang dried marijuana fruiting tops ang nakumpiska matapos maaresto sa buy-bust operation ang dalawang hinihinalang tulak at nasa listahan ng High Value Individuals (HVI)s sa Bacoor City nitong Miyerkoles ng madaling araw. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang mga suspek na sina Christian Kyle Dueñas y Mejares, Rodolfo Bautista y Torres, kapwa nasa hustong edad at mga residente ng Bacoor City. Ayon sa ulat, dakong alas-3:15 ng madaling araw, nagsagawa ng buy-bust…

Read More

NAGHAMON NG AWAY, OBRERO TINADTAD NG MAG-UTOL

BATANGAS – Dead on the spot ang isang construction worker matapos tadtarin ng saksak ng magkapatid na kanyang hinamon ng away sa Lipa City noong Martes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Lambert Agsaoay, 31, tubong Infanta, Quezon at residente ng Biñan City, Laguna. Ayon sa Lipa City Police, dahil sa hindi pagkakaunawaan, unang hinamon ng suntukan ng biktima ang katrabaho niya sa construction site sa isang subdivision sa Brgy. Bugtong na Pulo, Lipa City na  si Charly Belino, 29, ng Calbayog City, Samar dakong alas-7:30 ng umaga. Pinatulan naman ito ng suspek at…

Read More

TRUCK SUMALPOK SA BAHAY, 4 PATAY

QUEZON – Umakyat na sa apat katao ang namatay matapos salpukin ng truck ang tricycle at isang bahay sa bayan ng Dolores sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Ito ay matapos bawian ng buhay sa ospital ang isa pang biktima na si Lito Vergara na siyang pasahero ng tricycle na unang sinalpok ng truck. Samantala, nilalapatan pa rin ng lunas sa ospital ang driver ng tricycle na si William Enriquez. Unang namatay sa mismong pinangyarihan ng insidente sa Barangay Sta. Lucia ang driver ng truck na si Romulos Carona…

Read More

69 KASO ISINAMPA NG PNP KAUGNAY SA 990 KILO SHABU FIASCO

INIHAIN na sa korte ng Philippine National Police (PNP) ang 69 kaso laban sa mga police officer na dawit sa umano’y tangkang cover-up sa kontrobersyal na 990 Kilo drug haul noong nakalipas na taon. Ayon kay PNP chief PGen. Benjamin Acorda Jr., nasa 69 administrative at criminal complaints ang kanilang isinampa laban sa mga pulis at high ranking officials na idinawit sa nabunyag na mga katiwalian at tangkang takipan sa pinakamalaking bulto ng droga na nasamsam sa Tondo, Maynila noong Oktubre 2022. Inihain ang mga kaso sa Ombudsman of the…

Read More