BATANGAS – Nasagip ng mga awtoridad ang isang Chinese national na kinidnap ng umano ay kanyang mga kapwa Chinese at dinala sa lalawigang ito, noong Linggo. Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office, dakong ala-1:30 noong Linggo ng hapon nang makarating sa isang gasoline station sa Brgy. Aguila, sa bayan ng San Jose ang Chinese national. Matapos hindi maintindihan ang sinasabi ng biktima, tumawag na ng mga awtoridad ang mga empleyado ng gas station. Sa imbestigasyon at sa pakikipag-ugnayan ng San Jose Police sa tanggapan ng Anti-Kidnapping Group o…
Read MoreAuthor: admin 4
BRGY. TREASURER PATAY SA EX-LIVE-IN PARTNER
BATANGAS – Patay ang isang barangay treasurer matapos na barilin ng kanyang dating live-in partner sa Brgy. Paliparan, sa bayan ng Laurel, sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Ayon sa ulat ng pulisya, selos ang dahilan ng pamamaril ng lalaki sa kanyang dating kinakasama. Kinilala ang biktimang si Shiela Avelino, 40, residente ng nasabing barangay. Lumalabas sa imbestigasyon, dakong alas-2:00 ng hapon nang makita ng suspek na si Marlon Balani, 40, ang biktima habang naglalakad sa barangay road. Nilapitan ito ng suspek at kinakausap hinggil sa kanilang dating relasyon…
Read MoreABUSADONG DEBT COLLECTORS PUNTIRYA SA KAMARA
NAGHAIN ng panukalang batas sa mababang kapulungan ng Kongreso na pupuntirya sa mga abusadong kolektor ng online lending apps o OLA Base sa “Fair Debt Connection Practices Act” na nakapaloob sa House Bill (HB) 6681 na inakda ni Davao City Rep. Paolo Duterte, sinabi nito na kailangang tapusin na ang pagiging abusado ng mga debt collector at pagsasamantala ng mga OLA. “More victims have continued to come out to report being harassed, shamed, threatened, and forced to pay usurious interest charges. Both the Executive and Congress need to act fast…
Read MoreNOGRALES PATULOY SA PAMAMAHAGI NG AYUDA SA MONTALBAN
MULING umarangkada ang “Tulong Pinansyal sa Montalban” ni Congressman Fidel Nograles na malaking tulong sa mga benepisyaryo nito sa nasabing bayan. Katuwang ni Nograles sa kanyang “Tulong Pinansyal sa Montalban” ang Department of Social Welfare and Development (DSWD). Nakatanggap ang mahigit 1,000 kapos-palad na senior citizens, PWD, kababaihan, kabataang mag-aaral, at mga nawalan ng kabuhayan, ng tulong sa pamamagitan ng financial assistance, medical assistance, burial assistance, educational assistance, at livelihood assistance. Nauna rito, namahagi rin si Nograles ng TUPAD financial assistance katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE). Hindi…
Read MoreNHA HOUSING UNITS BAWAL IBENTA
BINALAAN ni General Manager Joeben Tai ang mga benepisyaryo ng National Housing Authority (NHA) ukol sa ilegal na pagbebenta ng mga pabahay. Batay sa NHA Memorandum Circular Blg. 2374, ang mga lumabag sa kasunduan at kondisyon ayon sa kontrata at mapatutunayang nagbenta ng kanyang housing unit ay hindi na muling makatatanggap ng pabahay mula sa gobyerno, sa kadahilanang limitado sa isang beses lamang ang pagkakataong ito. Bukod pa rito, mahigpit ding ipinagbabawal ng ahensiya ang pagpapaupa at pagsasangla ng bahay. Kabilang din sa panuntunan ang pagbabawal na baguhin, palitan at…
Read MoreAYAW MATITIGAN, MANGINGISDA NANAKSAK
CAVITE – Arestado ang isang 20 -anyos na mangingisda makaraang suntukin at saksakin ang isang driver nang magalit dahil sa pagkakatitig sa kanya ng huli sa bayan ng Rosario sa lalawigang ito, nitong Linggo ng madaling araw. Hawak na ng Rosario Police ang suspek na si Vince Railey y Purihin, ng Brgy. Ligtong 1, Rosario, Cavite dahil sa reklamo ng biktimang si Ricardo Rivas y Criman, 27, driver, ng Brgy. Ligtong 1, Rosario, Cavite, nilalapatan ng lunas sa St. Martin Hospital dahil sa saksak sa katawan. Ayon sa ulat, dakong…
Read MoreMAGKAPATID NADALE NG SA VAN SA QUEZON, 1 PATAY
QUEZON – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang kapatid nito matapos na ang kanilang sinasakyang motorsiklo ay masalpok ng kasalubong na van sa national road sa Brgy. San Isidro, sa bayan ng Mauban sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Dead on the spot ang biktimang si Cedrick Encarnado Villaverde, 24, habang nilalapatan ng lunas sa Mauban District Hospital ang kapatid nito na si Ryan Encarnado Villaverde, 28-anyos. Ayon sa report ng Mauban Police, ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima ay nasalpok ng van na minamaneho ni Antonio Baasis,…
Read More300 bahay natupok 1 PATAY, 2 SUGATAN SA ZAMBOANGA FIRE
ZAMBOANGA CITY – Tinatayang 300 kabahayan na karamihan ay gawa sa light materials, ang natupok habang isa ang patay at dalawa ang sugatan sa insidente ng sunog sa Sitio Asinan, Barangay Kasanyangan sa lungsod na ito, noong Sabado ng gabi. Ayon sa report ng Zamboanga City Bureau of Fire Protection, bandang alas-8:15 ng gabi nang magsimula ang sunog sa boarding house na pagmamay-ari ng isang Jane Halil habang may nagaganap na handaan. Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa bukod sa gawa sa light materials ay halos magkakadikit ang mga…
Read More“FRASCO FIASCO” SISILIPIN SA KAMARA
HINDI mapalalampas ng mga militanteng mambabatas ang anila’y “Frasco Fiasco” sa Department of Tourism (DOT) kaya nagpatawag ang mga ito ng imbestigasyon upang alamin ang naging papel ng isang personalidad sa sablay na slogan at promotional campaign ng ahensya. Sa inihahandang resolusyon ng Makabayan bloc, inaatasan ng mga ito ang House committee on tourism at committee on good government and public accountability na magsagawa ng joint investigation lalo na’t hindi lamang ang kinabukasan ng turismo sa bansa ang nalagay sa alanganin kundi pera ng bayan ang ginastos dito. “It is…
Read More