NA-INTERCEPT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) ang limang biktima ng human trafficking. Ayon sa report na nakarating sa BI, naharang ang mga ito bago makasakay sa kanilang Philippine Airlines (PAL) papuntang Thailand. Nagkunwari ang mga ito bilang mga turista, ngunit pagdating sa final interview, magkakaiba ang kanilang mga sagot, kung kaya’t inirekomenda na sumailalim sa secondary inspection, kung saan nadiskubre na United Arab Emirates ang kanilang final destination. Ang mga biktima ay agad na inilipat sa pangangalaga ng Inter-Agency Council Against Trafficking…
Read MoreAuthor: admin 4
BOC MULING NAGBABALA VS FAKE ACCOUNTS
MULING nagpalabas ng advisory ang Bureau of Customs (BOC) matapos na makatanggap sila ng mga ulat kaugnay sa fake accounts na gumagamit ng mga pangalan at litrato ng mga empleyado nila. Ang pekeng accounts ay naglalaman ng maling impormasyon laban sa ahensiya at kanilang mga opisyal at mga tauhan. Kaugnay nito, nagbabala ang bureau sa lahat ng ‘unscrupulous individuals’ at mariing kinokondena ang mga ganitong gawain na pagsalakay sa ‘privacy’ at nambibiktima ng mga inosenteng tao. Anila, may naaangkop na multa at kaso na ang maaaring isampa laban sa mga…
Read MoreP140-M, LAGPAS SA JUNE 2023 COLLECTION TARGET NG BOC
NAKAKOLEKTA ang Bureau of Customs ng P74.861 billion sa duties and taxes para sa buwan ng Hunyo kung saan ay nalagpasan nila ng P140 million ang itinalaga sa kanilang target na P74.721 billion para sa nasabing buwan. Base sa ulat mula sa Bureau of Treasury, ang BOC’s June collection ay nagdala sa ahensiya ng kabuuang koleksyon mula Enero hanggang Hunyo ng P434.169 billion, na mas mataas ng P13.505 billion o 3.21% mas mataas sa P420.66 billion sa nakatalagang revenue target. Ang nasabing halaga ay sumasalamin ng P37.434 billion na pagtaas…
Read MoreCAR HUB SINALAKAY NG BOC, LUXURY CARS NADISKUBRE
SINALAKAY ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service-Intelligence Group (CIIS-IG) na armado ng Letter of Authority (LOA) na nilagdaan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, ang isang car hub sa Barangay Ugong, Pasig City kamakailan. Ang nasabing grupo na binigyan ng awtorisasyon upang hilingin ang katibayan ng mga binayaran ng tamang duties and taxes sa mamahaling mga sasakyan, ay nagtungo sa car hub noong Hulyo 4, 2023 dakong alas-6 ng hapon para iimplementa ang LOA. Ang CIIS-IG ang inatasan sa operasyon matapos maberipika ang intelligence information sa pamamagitan ng…
Read MoreLIFE SENTENCE SA AGRI-PRODUCTS SMUGGLERS
SINIGURO ng pamunuan ng Kamara na ipapasa nila ang panukalang batas na magpapataw ng parusang habambuhay (life sentence) na pagkakakulong sa mga smuggler ng lahat ng agricultural products. Labing-apat hanggang labimpitong (14-17) taon naman ang parusang kulong sa mga miyembro ng cartel, hoarders at profiteers ng agri-products. Sa ngayon, may 10 panukalang batas na pawang tumutulak para amyendahan ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 ng Republic Act (RA) 10845 na nakabinbin sa House Committee on Agriculture and Foods. Ayon sa natanggap nating impormasyon, sa lalong madaling panahon sa umpisa ng…
Read More1,368 REAMS NG YOSI NASABAT SA BOC-GENERAL SANTOS
NAHARANG ng Bureau of Customs (BOC), Sub-Port of General Santos, ang 1,368 reams ng iba’t ibang sigarilyo na tinatayang aabot ng P684,000 halaga, noong Hulyo 4, 2023, sa Polomolok, South Cotabato. Ang operasyon ay isinagawa sa close coordination ng Bureau’s Customs Intelligence Investigation Service (CIIS) at Enforcement Security Service (ESS), kasama ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) South Cotabato Provincial Field Unit at Polomolok Municipal Police Station. Ang nasabing items ay kinumpiska bilang bahagi ng entrapment operation na isinagawa sa ilalim ng CIDG’s Flagship Project, “Oplan Mega Shopper,” na…
Read MoreP1-M SMUGGLED WHITE ONIONS HULI SA BOC-PORT OF CEBU
NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu ang smuggled white onions na itinago sa shipment ng “kimchi” mula China, na tinatayang P998,700 ang halaga. Ang nasabing shipment ay dumating sa Port of Cebu na nakalagay sa 147 boxes at idineklarang kimchi na nagkakahalaga ng P183,750. Makalipas ang mahigit isang buwan, ang consignee ay inabandona ang nabanggit na shipment. Dahil dito, isang Decree of Abandonment ang agad na inisyu laban sa subject shipment alinsunod sa Section 1129(a) ng Customs Modernization and Tariff Act na may kaugnayan…
Read MoreP3.2-M SHABU KUMPISKADO, CLAIMANT ARESTADO
ARESTADO ang claimant ng shipment na naglalaman ng P3.160 milyong halaga ng shabu sa operasyon ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Port of Clark, sa ilalim ng pamumuno ni District Collector Atty. Ricardo Uy Morales II, CESE, sa tulong ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Makati City kamakailan. Nadiskubre ng BOC ang illegal drugs sa pamamagitan ng profiling na isinagawa ng customs personnel sa isang shipment na idineklara bilang “two slice bread toaster” mula Pennsylvania, USA. Ang nasabing shipment ay…
Read MoreDROGA, BARIL NASAMSAM SA CAVITE BUY-BUST
CAVITE – Tinatayang mahigit sa P80,000 halaga ng umano’y shabu at isang .38 kalibreng baril ang nasamsam mula sa isang lalaking nadakip sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act) ang suspek na si Manuel Tanoy y Casaljay, nasa hustong edad, ng Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-8:45 ng umaga, nagsagawa ng buy-bust…
Read More