CAVITE – Swak sa kulungan ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga, na nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs), matapos maaresto at makumpiskahan ng tinatayang P136,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Dasmariñas City, noong Martes ng gabi. Kinilala ang naarestong suspek na si Ruel Marinduque y Fortunato, 41, binata, ng Tagaytay City. Ayon sa ulat ni Police Corporal Marnol Cunanan ng Dasmariñas City Police, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial Unit (PDEU) na nagresulta sa pagkakadakip…
Read MoreAuthor: admin 4
2 AKYAT-BAHAY NABITAG SA FOLLOW-UP
CAVITE – Arestado ang dalawang hinihinalang mga miyembro ng akyat-bahay gang habang pinaghahanap ang isa pa nilang kasama, matapos tangayin ang P100,000 halaga ng gadgets mula sa isang bahay sa Bacoor City noong Martes ng madaling araw. Kinilala ang mga naaresto na sina Arnel Rodriguez y Baclas, at Marck Anthony Lagana y Guinez habang pinaghahanap ang kasama nilang Carlos Espella, pawang nasa hustong edad. Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Roberto Lacasa ng Bacoor City Police, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang pasukin ng mga suspek ang bahay ni…
Read MoreTAGUMPAY SA OPERASYON, IBINIDA NG BOC
IPINAGMALAKI ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang nakamit na makabuluhang milestones sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, na nagpapakita ng kanilang pangakong matupad ang 5-Point Priority Program for the calendar year 2023, na naaayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Ito ay ang mariing pag-focus sa digitalization, revenue collection, trade facilitation, smuggling prevention, and employee welfare. Ang BOC ay gumawa ng kapansin-pansing mga hakbang sa pagsusulong ng kanilang mandato para sa pagpapahusay ng kanilang mga operasyon sa unang kalahati ng taon. Binigyang prayoridad ng…
Read MoreP.5-M ‘UKAY-UKAY’ NAHARANG SA MATNOG, SORSOGON
NASABAT ng pinagsanib na mga tauhan ng Bureau of Customs-Legazpi sa pamamagitan ng kanilang Customs Border Protection Team (CBPT), at ng Philippine Coast Guard-Sorsogon, ang kabuuang 42 bales ng ‘ukay-ukay’ na tinatayang may market value na P500,000, sa magkakahiwalay na pagsasagawa ng paneling ng mga bus at iba pang mga sasakyan sa Matnog, Sorsogon. Noong Hulyo 8, 2023, 25 bales ng imported used clothing ang unang nasabat. Ito ay hinihinalang ipinagbabawal na items, na patungo sana sa Samar at Leyte. Samantala, noong Hulyo 10, 2023, 17 bales ng parehong items…
Read MoreSMUGGLERS BILANG NA ANG MGA ARAW – BBM
Imbestigahan Natin Ni JOEL O. AMONGO BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa kanyang ika-2 State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes, Hulyo 24, 2023, na ‘BILANG NA ANG MGA ARAW NG SMUGGLERS’. Base sa pananalita ni PBBM, sisiguraduhin n’yang malalagdaan ang panukalang batas na magpapataw ng mas mabigat ng parusa laban sa smugglers, hoarders, at nagmamanipula sa presyo ng mga bilihin. Lalo na sa agri-products na nagmumula ang mga pangunahing pangangailangan ng taumbayan. Ayon sa Pangulo, pursigido ang gobyerno sa paghahabol sa mga mapagsamantalang negosyante. Hindi…
Read More1K TAGA-MONTALBAN NAKINABANG SA TULONG PINANSYAL NI NOGRALES
UMULAN man at umaraw ay tuloy-tuloy pa rin ang “Tulong Pinansyal sa Montalban” ni Rizal, 4th District Congressman Fidel Nograles. Katuwang ni Nograles sa kanyang pamimigay ng ayuda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD). Tinatayang mahigit 1,000 mga kapos-palad na senior citizens, PWD, kababaihan, kabataang mag-aaral, at mga nawalan ng kabuhayan ang nabigyan ng tulong sa pamamagitan ng financial assistance, medical assistance, burial assistance, educational assistance, at livelihood assistance. Bukod sa pamamahagi ng “Tulong Pinansyal sa Montalban” ni Nograles, ay inihayag niya na malaking tulong ang pagtaas ng…
Read More5 PATAY SA BUMAGSAK NA TULAY, 2 PA MALUBHA
UMAKYAT na sa limang construction workers ang iniulat na nasawi habang dalawa pa ang nasa malubhang kalagayan matapos na mag-collapse ang ginagawang tulay sa Davao City noong Lunes ng hapon. Ayon sa inisyal na ulat, bumagsak ang ginagawang tulay bandang alas-3:30 kamakalawa ng hapon sa Sitio Kibakak, Barangay Malamba, sa Marilog District, Davao City. Ayon sa pahayag ni Dario Dispo, 42, foreman ng Bojus Sun Builders & Supply Corporation, sampu katao ang nagtatrabaho nang mangyari ang pagguho subalit pito sa mga ito ang na-trap sa guho habang nagkakabit ng side…
Read More2 TIRADOR NG SINAMPAY HULI SA CCTV
CAVITE – Arestado ang isang magkapatid nang napiktyuran sa close circuit television (CCTV) camera habang sinusungkit ang mga damit ng isang seaman sa sampayan sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Nakakulong na sa Tanza Custodial Facility ang mga suspek na sina Fernando Tamayo y Castillo, at Niño Tamayo y Castillo, kapwa nasa hustong edad, dahil sa reklamo ng biktimang si Fernando Trigo y Tadifa, 47, isang seaman, ng Brgy. Punta 1, Tanza, Cavite. Ayon sa ulat, nagreklamo ang biktima sa kanilang barangay nang madatnan na…
Read MorePAGBIBITIW NG 18 PULIS NA ISINANGKOT SA DROGA TINANGGAP NI PBBM
INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tinanggap nito ang pagbibitiw sa serbisyo ng 18 Third-Level Officers ng Philippine National Police (PNP) na di umano’y sangkot sa illegal drugs activities. Base na rin ito sa naging rekomendasyon ng National Police Commission Ad Hoc Advisory Group na masusing nag-imbestiga sa usaping ito. Sa isang liham kay Pangulong Marcos, ipinaalam ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr. na ang Ad Hoc Advisory Group ay nagsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa di umano’y pagkakasangkot ng 953 Third Level Officers sa illegal drugs activities. Sinabi…
Read More