QUEZON – Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10631 o The Animal Welfare Act of 1998, ang dalawang mangingisda matapos na katayin ng mga ito ang nakawalang aso ng isang pamilya na nag-outing sa resort sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito. Ayon sa report ng Sariaya Police, mula sa Sta. Cruz, Laguna, nagtungo ang pamilya ng may-ari ng aso, sa Villa del Prado Resort sa Barangay Bignay 1, kasama ang dalawang alaga noong Martes. Subalit bandang hapon nang mapansin ng mga ito na nawawala ang isa nilang alagang aso.…
Read MoreAuthor: admin 4
4 HVIs BUKING SA ‘TINDAHAN’ NG DROGA
CAVITE – Nabuking ang transaksyon sa bentahan ng shabu sa isang tindahan ng plastic wares na umano’y ginawang front ng ilegal na droga, nagresulta sa pagkakadakip sa apat na hinihinalang tulak sa Bacoor City. Nakumpiska sa mga suspek na sina Lourie Anthony Lorenzo, Jalil Omar, Kenneth Cristobal, at Criselda Nagal, pawang nasa hustong edad, at nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs) ng pulisya, ang P448,500 halaga ng hinihinalang shabu. Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sec. 5, 26 at 11 ng Art. II ng RA 9165 o…
Read MoreBINATA TUMALON MULA SA FOOTBRIDGE, PATAY
PATAY ang isang 22-anyos na binata makaraang tumalon mula sa footbridge sa Padre Campa sa España Boulevard, Sampaloc, Manila. Kinilala ang biktimang si Keilo Acuin, tubong Calbayog City, Western Samar, at nanunuluyan sa Delos Santos Street, Sampaloc, Manila. Base sa ulat na isinumite ni Police Major Roberto Fajardo, hepe ng University Belt Area Police Community Precinct, kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, commander ng Manila Police District – Barbosa Police Station 14, bandang alas-3:15 ng madaling araw nang makatanggap ng report ang PCP hinggil sa insidente. Agad nagresponde ang mga…
Read MoreQUIAPO CHURCH NAGBABALA VS FAKE ACCOUNTS
NAGBABALA ang Minor Basilica of the Black Nazarene laban sa umano’y mga taong gumawa ng fake accounts ng Quiapo Church at nagbebenta ng religious items. Sa Facebook post, nilinaw ng Basilica na hindi ito nagpapatakbo o walang sariling “religious store.” “A reminder to devotees that the Quiapo Church does not have a ‘Religious Store’ or any religious items for sale or offered,” saad ng simbahan. Pinaalalahanan din ang mga deboto na huwag paniwalaan mga naka-post sa social media hinggil sa kanilang simbahan. “Be careful and critical about the spreading ‘Fake…
Read More2 HVIs LAGLAG SA DRUG BUST
CAVITE – Tinatayang P172,500 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam matapos na maaresto ang dalawang umano’y tulak ng ilegal na droga at nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City nitong Huwebes ng umaga. Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinahaharap ng mga suspek na sina Mark Vincent Constantino, at Ma. Lolita Gardon, kapwa nasa hustong edad, ng Brgy. Zapote 5, Bacoor City. Ayon sa ulat ni Police Corporal Jerome Ais ng Bacoor City Police, dakong alas-5:15…
Read More3 TIRADOR NG CONVENIENCE STORE NATIMBOG
CAVITE – Nasa Kustodiya na ng Cavite Police ang tatlong suspek sa panghoholdap sa isang convenience store matapos maaresto sa follow-up operation sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigang ito, noong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ni Police Lt. Col. Randy C. Oliquino, hepe ng GMA Police Station, ang naarestong mga suspek na sina Jaime Christ Camerino y Ong, 20; Maricel M. Bautista, 33, at Glenn Urbano y Pacifico, 25-anyos. Unang naaresto si Urbano sa Barangay Habay 1, Bacoor City, Cavite dakong alas-8:30 ng umaga at narekober ang…
Read MoreILANG FLIGHTS SA DIPOLOG CITY, ZAMBOANGA KANSELADO
KANSELADO ang ilang flights sa Dipolog City, Zamboanga del Norte dahil sa ‘on going repair’ ng ilang bahagi ng runway, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). Kaugnay nito, naglabas ng Notice to Airmen (NOTAM) C0669/23, ang CAAP, mula Hulyo 18, (11:45PM) hanggang (07:5AM) ng Oktubre 19, 2023. Sa Kabila ng idineklarang closure, operational naman ang naturang airport, at pinapayagan ang ibang flights, katulad ng Philippine Airlines (PAL) PR 2557, at PR 2558 Dipolog-Manila ang vice versa. Kinondena naman ng apektadong airline company ang desisyon ng CAAP, bunsod…
Read MoreWANTED ‘ESTAPADOR’ SA PANGASINAN, TIKLO SA MAYNILA
BINITBIT ng mga operatiba ng Tracker Team ng Manila Police District – Pandacan Police Station 10, ang isang 45-anyos na ginang dahil sa kasong estafa sa Pangasinan, at natunton noong Miyerkoles ng gabi sa Barangay 866, Zone 95, Sta. Ana, Manila. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Maria Agbon, station commander, ang suspek na si Mercy Garcia, negosyante, tubong Nueva Vizcaya at nanunuluyan sa Bago Bantay, Quezon City. Ayon sa report na isinumite nina Police Captain Vianny Otiz at Police Captain Ramel Lucero, bandang alas-8:40 ng umaga, nakaposte na ang grupo…
Read MoreBBM, SARA, GABINETE AT MGA SENADOR HUMATAW Sa nationwide survey ng RPMD
NAKAPAGTALA pa rin ng mataas na approval at trust ratings sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte sa pinakabagong independent at non-commissioned “Boses ng Bayan” nationwide survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD). Ayon kay Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD, nakakuha si Pangulong Marcos ng 82% approval at 86% trust ratings habang si Vice President Duterte ay mayroong 86% approval at 90% trust ratings. Nakuha naman ni Senate President Migz Zubiri ang 69% job satisfaction at 71% trust ratings, habang si House Speaker…
Read More