P340K SHABU NASABAT SA TULAK

CAVITE – Tinatayang P340,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang umano’y tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City noong Lunes ng gabi. Kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kinahaharap ng suspek na si Janjan Sales y Minay, nasa hustong edad, ng Brgy. Alapan 1, Imus City, nasa listahan ng Street Level Individuals (SLIs). Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Joselle Hernandez ng Imus City Police, dakong alas-10:00 ng…

Read More

LASING NA RIDER PATAY SA MOTORSIKLO

BATANGAS – Patay ang isang rider nang matumba ang kanyang motorsiklo sa highway sa Brgy. Sambat, sa bayan ng San Pascual sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Kinilala ng San Pascual Police ang biktimang si Jovein De Villa, 37, isang pipefitter, at residente ng Brgy. Sambat, sa naturang bayan. Ayon sa report, nakainom ang biktima nang mangyari ang insidente dakong alas-8:45 ng gabi. Nawalan umano ito ng kontrol sa manibela kaya bumaliktad ang motorsiklo. Isinugod ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival. (NILOU DEL CARMEN) 247

Read More

GOV’T EMPLOYEE PATAY SA AMBUSH

patay

BATANGAS CITY – Nalagutan ng hininga ang isang empleyado ng LGU ng Tanauan City makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa Brgy. Cale, sa nasabing lungsod noong Lunes ng hapon. Ayon sa report ng Tanauan City Police, dakong alas-5:50 ng hapon, pauwi sa Brgy.  Altura South ang 38-anyos na biktimang si Lionel Castillo habang sakay ng kanyang motorsiklo, nang buntutan ito ng mga suspek. Nang maabutan, pinagbabaril ito ng backrider gamit ang maiksing baril at pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek. Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad…

Read More

BRGY. CHAIRMAN TIKLO SA GUNRUNNING

LAGUNA – Arestado ang isang barangay chairman dahil sa ilegal na pagbebenta ng baril sa bayan ng sa Nagcarlan sa lalawigang ito, ayon sa mga awtoridad noong Lunes. Kinilala ni Laguna PNP Provincial Director, Police Colonel Harold Depositar ang suspek sa alyas “Renato”, residente ng Nagcarlan, Laguna. Natimbog ang suspek sa isinagawang gun buy-bust operation ng mga tauhan ng Nagcarlan Police at CIDG Batangas, sa kanyang bahay sa isang barangay sa Nagcarlan. Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang .45 kalibreng baril, mga bala at magazine. Kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG…

Read More

BABY BUS SWAK SA FISH POND, 9 PASAHERO SUGATAN

CAVITE – Siyam katao ang nasugatan nang nahulog ang isang baby bus sa isang fish pond sa bayan ng Noveleta sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Nilalapatan ng lunas sa St. Martin Hospital ang siyam na indibidwal matapos isugod dahil sa mga sugat sa katawan. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Armine Matro ng Noveleta Police Station, minamaneho ni Eric Tampos ang baby bus na may plakang DXR 117, at binabagtas ang Brgy. San Rafael 4, sakop ng Noveleta, nang umano’y mawalan ng kontrol sa kanyang manibela dahilan…

Read More

GOV’T NAGSISIKAP MAIBABA PRESYO NG BILIHIN – NOGRALES

NANINIWALA si House of Representatives’ Committee on Labor and Employment chair, at Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles na agresibo ang gobyerno na maibaba ang presyo ng pangunahing mga bilihin subalit kailangan itong sabayan ng mga pagsisikap. “Our efforts to improve workers’ quality of life should not stop with a wage hike. We also need to aggressively move to lessen the cost of commodities to increase workers’ purchasing power,” ani Nograles. Ito ay matapos na aprubahan ng regional wage board ang P40 increase sa minimum wage sa National Capital Region,…

Read More

LIMANG PULIS SA ROBBERY EXTORTION SUMUKO

SUMUKO sa tanggapan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang limang pulis Maynila na inakusahang pumasok sa computer shop sa Sampaloc, Manila para mangotong kamakailan. Sa ulat ni Police Major Philipp Ines ng Public Information Office (PIO), ang mga pulis na tauhan ng DPIOU ay boluntaryong sumuko kay PAOCC usec, Retired Police Major General Gilbert Cruz nitong Lunes ng hapon. Kahapon ay iniharap ni Manila Police District (MPD) Chief Police Brig. Gen. Andre Dizon sa media ang limang pulis na kinilalang sina Patrolman Jhon Lester Pagar, Police Staff Sergeant Ryann…

Read More

NCRPO TULOY-TULOY SA PAGKALOS SA ‘BAD EGGS’

NABAWASAN ng pitong tauhan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang kaso. Ayon kay PNP NCRPO chief PBGeneral Jose Melencio Nartatez Jr., sinampahan na ng kaso ang limang pulis Maynila kaugnay sa kasong robbery extortion. Matatandaang sinalakay umano ng limang pulis ang isang computer shop sa Sampaloc na kalaunan ay kanilang ninakawan at tinakot ang may-ari para hingan ng lingguhang payola o lagay. Kahapon ay sumuko na ang mga inireklamong pulis na kinilalang sina Staff Sergeant Jan Erwin Isaac, Staff Sergeant Ryann Paculan, Corporal…

Read More

PILOT RUN NG FOOD STAMP PROGRAM KASADO SA TONDO

AARANGKADA ngayong araw ang “Walang Gutom 2027” program ng administrasyong Marcos sa isang komunidad sa Tondo, Manila. Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), layon nito na makapagbigay ng P3,000 kada buwan sa inisyal na 50 pamilya mula sa Tondo. Ang kick-off ay palalawigin sa 3,000 pamilya na target para sa six-month pilot sa buong bansa. “After six months ng takbo ng programa, ng pilot, titingnan natin iyong resulta. Kung maganda iyong resulta, then we scale up, where it will be initially 300,000 na pamilya and then another…

Read More