GOV’T NAGSISIKAP MAIBABA PRESYO NG BILIHIN – NOGRALES

NANINIWALA si House of Representatives’ Committee on Labor and Employment chair, at Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles na agresibo ang gobyerno na maibaba ang presyo ng pangunahing mga bilihin subalit kailangan itong sabayan ng mga pagsisikap.

“Our efforts to improve workers’ quality of life should not stop with a wage hike. We also need to aggressively move to lessen the cost of commodities to increase workers’ purchasing power,” ani Nograles.

Ito ay matapos na aprubahan ng regional wage board ang P40 increase sa minimum wage sa National Capital Region, na naging epektibo nitong Hulyo 16.

Sa nasabing wage adjustment, ang daily minimum wage rate sa Metro Manila ay tataas na sa P610 mula P570.

Bukod dito, mayroon ding sampung iba pang wage hike petitions na nakabinbin sa iba’t ibang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs), anunsyo ng Department of Labor and Employment noong Mayo.

Samantala, pinuri ni Nograles ang nasabing wage increase bagama’t aminado siyang maliit na halaga lamang ito para sa mga manggagawa ngunit makatutulong para maibsan ang epekto ng pagsirit ng presyo ng mga bilihin.

“This is why parallel efforts should be implemented in the agriculture and transport sectors so that workers pay less for food and transportation,” ayon sa mambabatas.

“We need to have a balanced response to the issues that our workers face. Hindi lang wage increase ang solusyon. Kailangan din nating ayusin nang sabay ang problema sa agrikultura at transportasyon para mas malaki ang take-home pay ng mga kababayan natin,” banggit pa niya.

Optimistikong nagpahayag pa ang mambabatas na ang Marcos administration “also recognizes these issues and is exerting great effort to address them.”

Nangako rin si Nograles na ang Kongreso ay patuloy na pinag-uusapan ang iba’t ibang mga plano para mapataas ang sahod ng mga manggagawa, sa sandaling mag-resume sila ngayong buwan.

“Patuloy po ang pagsusuri natin para masiguro na epektibo at tunay na solusyon ang mailalabas nating batas,” dagdag pa niya.

(JOEL O. AMONGO)

245

Related posts

Leave a Comment