BABY BUS SWAK SA FISH POND, 9 PASAHERO SUGATAN

CAVITE – Siyam katao ang nasugatan nang nahulog ang isang baby bus sa isang fish pond sa bayan ng Noveleta sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon.

Nilalapatan ng lunas sa St. Martin Hospital ang siyam na indibidwal matapos isugod dahil sa mga sugat sa katawan.

Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Armine Matro ng Noveleta Police Station, minamaneho ni Eric Tampos ang baby bus na may plakang DXR 117, at binabagtas ang Brgy. San Rafael 4, sakop ng Noveleta, nang umano’y mawalan ng kontrol sa kanyang manibela dahilan upang bumangga sa bakal na harang sa gilid ng kalsada at nahulog sa fish pond mula sa tulay ng Callero dakong alas-3:00 ng hapon.

Agad namang sinagip ang mga biktima at isinugod sa pagamutan dahil sa pinsala sa kanilang katawan.

(SIGFRED ADSUARA)

388

Related posts

Leave a Comment