AMPATUAN TINIYAK NA MAKADADALO SA PROMULGATION

(NI ROSE PULGAR) BANTAY- sa mga tauhan ng Makati City Police -Special Weapons and Tactics at Bureau of Jail Management Penology (SWAT-BJMP) ang loob at buong paligid ng Makati Medical Center sa paglabas ni dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) governor Zaldy Ampatuan, Miyerkoles ng hapon. Ang bantay seguridad ng mga awtoridad ito ay upang tiyakin na makakadalo sa gaganapin na promulgation bukas ng umaga sa kinakaharap na kasong murder ni Ampatuan sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC). Dakong alas-2:03 ng hapon nang mailabas si dating ARMM  Governor sa likuran…

Read More

OLYMPIC SELECTION TIME: 4 PH SWIMMERS PASOK

(NI ANN ENCARNACION) MAYROONG tsansang makapasok sa 2020 Tokyo Olympic Games ang apat ng Filipino swimmers makaraang sumampa ang naitalang oras nila sa Olympic Selection Time (OST-B). Anim na buwan bago ang itinakdang Hunyo 29, 2020 na huling araw ng qualifying period, nakasilip ng pag-asang mag-qualify sa darating na Olympics ang national swimmers na sina Remedy Alexis Rule, Jasmine Alkhaldi, Luke Michael Gebbie at James Christian Deiparine. Itinala ni Rule ang OST-B sa 200m Fly at 100m Free events, habang si Alkhaldi sa 50m at 100m Free events. Si Gebbie…

Read More

AURORA GOVERNOR SUSPENDIDO SA GRAFT

sandigan

(NI JEDI PIA REYES) SIYAMNAPUNG araw na ipinasususpinde ng Sandiganbayan si Aurora Governor Gerardo Noveras dahil sa kasong graft. Sa ipinalabas na resolusyon ng 6th Division ng anti-graft court, inaatasan si Noveras gayundin ang kanyang provincial legal officer na si Paz Torregosa na agad tumigil sa pagganap ng kanilang tungkulin sa oras na ipatupad ang preventive suspension. Awtomatiko namang babawiin ang suspensyon kapag natapos na ang 90-araw. Nag-ugat ang kaso nang kuwestyunin ang umano’y iregularidad sa kontrata ng pagpapakumpuni ng Dimalang Bridge Approach ng Casiguran-Dilasag Road. Sinasabing pinaboran nina Noveras, Torregosa,…

Read More

GARIN NAKIPAGBATI KAY ACOSTA SA DENGVAXIA CONTROVERSY

(NI BERNARD TAGUINOD) SA ngalan ng Diwa ng Pasko, nakikipagbati si dating Health secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin kina Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta at  PAO forensic chief Dr. Anthony Efre. Ginawa ni Garin ang pahayag sa press conference ng minority bloc sa Kamara nitong Miyerkoles sa Kamara kasabay ng panawagan sa publiko na maghinay-hinay sa pagkain upang hindi maikompromisyo ang kalusugan ngayong Holiday season at patawarin ang mga kaaway. “For that, please allow me to extend my hands for reconciliation kay Percida Acosta, kay Dr. Efre.…

Read More

MAS MARAMING BENEPISYO SA OFWs ISUSULONG SA SENADO

(NI NOEL ABUEL) NAPAPANAHON nang amiyendahan ang Migrant Workers Act para masiguro na mapapakinabangan ito ng lahat ng overseas Filipino workers (OFWs). Ito ang pahayag ni Senador Joel Villanueva, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resources Development kung saan umapela ito sa mga kapwa mambabatas na suportahan ang panukala nito. Sa inihain nitong Senate Bill No. 1233, layon nito na palawigin ang paggamit sa Legal Assistance Fund (LAF) na itinatag ng gobyerno upang matulungan ang sinumang OFW na may kinakaharap na kaso sa bansang pinagtatrabahuhan ng mga ito. “Full protection of…

Read More

56 OPTIONAL RETIREMENT AGE PINAGTIBAY NA SA KAMARA

(NI ABBY MENDOZA) APRUBADO na ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong maibaba sa 56 taong gulang ang optional retirement age sa gobyerno mula sa kasalukuyang 60 anyos. Sa botong 192 pabor at walang pagtutol, lusot na ang  House Bill 5509. Aamyendahan nito ang  Section 13 ng Republic Act 8291 o Government Service Insurance System (GSIS) Act of 1997 Layunin ng panukala na ma-enjoy ng mas maaga ng mga retiradong empleyado ang kanilang buhay kasama ang pamilya dahil sa maagang pagreretiro. Hangarin din…

Read More

KUWENTO NG P150-K NI GRETCHEN

(NI LOLIT SOLIS) ANG saya saya ng Pasko ko day! Ang dami kong naharbat na pamasko na feel na feel ko talagang love na love nila ako. Ang ikinaloka ko lang itong kuwento ng 150 thousand pesos na ipinabigay daw ni Gretchen Barretto sa amin ni Cristy Fermin. Una muna itong isyu ng bigas at 150 thousand pesos na ang bida sa kuwentong ito ay sina Gretchen nga at Dolor Guevarra. Support lang kami dito ni Cristy, kasama si Bettina Aspillaga na ever trusted ni Kuya Boy Abunda. Siyempre, kasali…

Read More

PNP OK SA ONE STRIKE POLICY VS RIDING IN TANDEM 

(NI JG TUMBADO) SINANG-AYUNAN ng ikaapat sa pinaka mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang agarang pagsibak sa mga post commanders kapag hindi agad mareresolba ang kaso ng mga pagpatay ng riding in tandem sa kani-kanilang area of concern. Kaugnay nito, sa ilalim ng “one strike” policy iiral ang pagsibak sa puwesto ng mga police officials kung ang suhestyon ay mabilis na maipatutupad ng liderato ng PNP. Nitong nakaraang Lunes lamang ay una nang sinabi ni PNP Deputy Chief for Operations Lt. General Camilo Cascolan, na may paiiralin…

Read More

OPERASYON NG ANGKAS SAGOT SA TRAPIKO — IMEE

angkas99

(NI NOEL ABUEL) UMAPELA si Senador Imee Marcos sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na payagang makapag-operate ang motorcycle-for-hire services na Angkas para makatulong sa publiko na mabawasan ang matinding trapiko sa bansa. Ayon sa senador, sa inihain nitong Senate Bill 409 layon nito na payagan ng ahensya ang Angkas na gawing lehitimo at alternatibong sasakyan ng publiko sa gitna ng matinding sikip ng trapiko, at na makapagbibigay din ng dagdag trabaho. “Sana umangkas na ang LTFRB sa diwa ng Pasko at regaluhan na ng siguradong trabaho ang mga…

Read More