(NI NOEL ABUEL) “WALANG mangyayaring bastusan.” Ito ang siniguro ni Senate President Vicente Sotto III kaugnay ng isinusulong na Charter Change resolution sa pamamagitan ng Constitutional Assembly ng mga kongresista. Ayon kay Sotto, hindi mapipigilan ng Senado ang mga kongresista sa nais ng mga itong ConAss sa oras na ibigay ito ng Kamara. “Dadalhin nila sa amin eh, di pag-uusapan namin kung ano ‘yung dadalhin nila sa amin, dadalhin namin sa committee, pag-uusapan du’n. Ganu’n lang. Ibig sabihin hindi namin siguro naman babastusin ‘yun or sasabihin ‘pag dinala dito ‘ayaw…
Read MoreAuthor: Jet
BANK DEPOSIT INSURANCE GAWING P1-M – SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG maproteksyunan ang may 63 million bank depositors sa Pilipinas, iginiit ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na itaas na sa P1 Million ang insurance ng kanilang deposito. Ginawa ni Makati Rep. Luis Campos Jr., ang nasabing panukala dahil pataas ng pataas ang idinedeposito ng mga Filipino matapos maitala ang P12.745 trillion na total deposits noong Dec. 31, 2018, o mas mataas ng 8.8% sa P11.710 trillion na nairekord ng Philippine Deposit Insurance Corp.,(PDIC) noong 2017. Maliban dito, parami nang parami umano ang mga nagdedeposito sa mga bangko…
Read MoreRIZAL REP. NOGRALES BILL SINUPORTAHAN SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) APRUBADO na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang resolusyon na naggagarantiya na gagawa ang mga mambabatas na mga batas para makamit ng Pilipinas ang Sustainable Development Goals (SDGs) pagdating ng taong 2030. Walang tumutol nang ipasa sa ikalawang pagbasa ang House Resolution (HR) 565 para suportahan ang House Bill (HB) 398 na iniakda nina Rizal Rep. Juan Fidel Nograls, Kabataan party-list Rep. Sarah Elago at Buhay party-list Rep. Lito Atienza. “National legislation and support from all sectors are needed to achieve the targets and indicators of each of…
Read MoreSAAN MAKARARATING ANG P16/DAY UMENTO NG GOV’T EMPLOYEES?
(NI BERNARD TAGUINOD) KATUMBAS ng P16 kada araw ang umentong ibibigay sa mga rank-and-file employees sa inaprubahang Salary Standardization Law (SSL) 5 na ipatutupad sa susunod na taon. Inarangkada ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang nasabing panukala matapos sertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent bill dahil napondohan na ito sa 2020 nationa budget na nakatakdang lagdaan ng Pangulo bago mag-Pasko. Sa ilalim ng SSL 5, itinaas sa 4.4% ang suweldo ng mga empleyado na may Salary Grade 11 subalit dahil P11,068 sahod ng mga ito ngayon ay umabot lamang…
Read MoreCEASEFIRE SA AFP SA KAPASKUHAN IGINIIT
(NI NOEL ABUEL) UMAPELA si Senador Imee Marcos sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na magpatupad ng isang unilateral ceasefire para higit na maipagdiwang ng mga sundalo na nakabase sa mga kanayunan, kabilang na ang mga sibilyan, ang darating na Kapaskuhan. Iminungkahi ni Marcos na maaaring gawin ang unilateral ceasefire ng AFP ng dalawang araw simula sa Disyembre 24 hanggang 25 para mabigyan ng daan ang mapayapang pagdiriwang ng Pasko. “Malaking bagay ang dalawang araw na ceasefire sa mga sundalo natin. Ang makapiling nila ang kanilang mga pamilya kahit sa…
Read MoreFARE MATRIX NG GRAB, REREBISAHIN
(NI DANG SAMSON-GARCIA) SA GITNA ng mga reklamo ng pagtaas ng singil, iginiit ni Senador Win Gatchalian na rebisahin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang fare matrix ng ride hailing na Grab. Nanawagan din si Gatchalian sa LTFRB na tiyaking nasusunod ang regulasyon sa surge pricing. “The high fare is killing the festive mood of many Filipino commuters. We don’t want to let Grab play the Grinch who stole Christmas from Juan de la Cruz because of high fare,” saad ni Gatchalian. Batay sa fare matrix na…
Read More2020 DISASTER FUND TINAPYASAN SA SENADO, KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T palakas nang palakas ang mga bagyo at madalas na rin ang paglindol dahil sa climate change, lumiit naman ang pondong inilaan ng gobyerno sa disaster fund sa susunod na taon. Sa bicameral report na kapwa inaprubahan ng Senado at Kamara, umaabot na lamang sa P7.5 Billion ang inaprubahan ng mga senador at congressmen na disaster fund sa ilalim ng 2020 national budget. Nabawasan ito dahil sa kasalukuyang taon, P20 Billion ang pondo na pantulong sa mga biktima at mga local government na biktima ng kalamidad tulad ng…
Read MoreLADY FALCONS MAGKAKAMPO SA THAILAND
DESIDIDONG maging title contender sa darating na UAAP Season 83 women’s volleyball tournament ang Adamson University Lady Falcons kaya maraming pagbabagong gagawin ang team. Isa sa mga pagbabagong ito ay ang nakatakda nilang training sa itinuturing na ‘region’s volleyball powerhouse country’ Thailand simula Enero 6 hanggang 17. Nabatid na 17 players ang kabilang sa training camp sa Thailand, kung saan sasamahan sila ng kanilang coach na si Lerma Giron at multi-awarded trainer-mentor na si Tai Bundit. Sa loob ng dalawang linggong training camp, makikipagsalpukan ang Lady Falcons sa serye ng…
Read MoreOIL PRICE HIKE
(NI ROSE PULGAR) NAGPATUPAD ng dagdag-presyo sa ilang produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na epektibo ngayong umaga. Pinangunahan ng kompanyang Pilipinas Shell at Seaoil ang dagdag presyo na P0.40 kada litro sa diesel at P0.60 naman sa kada litro ng kerosene habang wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina na epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga. Inaasahan naman na susunod na magpalabas ng abiso ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga. Ang ipinatupad na dagdag presyo ay bunsod sa…
Read More