CHIARA MAY PERMENTILLA: VOLLEYBALL, TULAY SA MGA PANGARAP

(NI ZIA A. JINGCO) HINDI na bago sa mga magulang ang mangarap para sa kanilang mga anak. Sabi nga ng marami, walang magulang ang naghangad ng hindi maganda para sa kanilang mga anak. Alam ito ni Adamson Lady Falcons’ Chiara May T. Permentilla kaya’t hindi siya nagdalawang-isip na sundin ang gusto ng kanyang ina–ang maging volleyball player at magtapos ng pag-aaral. Tubong Lipa City, Batangas, nasa second grade ang nag-iisang babae sa tatlong magkakapatid nang magdesisyon ang kanyang pamilya na pansamantalang manirahan sa Tuscan capital of Florence, Italy. Nasa third…

Read More

VIETNAM ASAM ANG TOP 3 FINISH

(NI JEAN MALANUM) TARGET ng Vietnam na manalo ng 70 hanggang 72 gold medals para makasama sa Top 3 overall sa 30th Southeast Asian Games na idaraos sa bansa mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11. Umaasa ang 568 atleta na kasama sa 856-member Vietnamese contingent na makakakuha ng gold medals sa athletics (12-14), cycling (1), fencing (3), football (2), gymnastics (5), judo (2), karate (6),  swimming (11),  taekwondo (3), weightlifting (1-2) at wrestling (8). Ang iba pang sports na sasalihan ng Vietnam ay archery, arnis, aerobics (gymnastics), badminton, basketball, billiards,…

Read More

ATENEO BACK-TO-BACK CHAMP

GUMAWA ng kasaysayan ang Ateneo Blue Eagles nang magkampeon na may perpektong kartada sa UAAP Season 82 men’s basketball finals sa Mall of Asia Arena kahapon. Winalis ng Blue Eagles ang UST Growling Tigers nang talunin ito sa iskor na 86-79 sa Game 2 ng kanilang best-of-three finals series. May perpektong 16-0 ngayong season ang Ateneo, itinuturing na “most dominant campaign” sa buong collegiate basketball. Bumida para sa Blue Eagles si Thirdy Ravena na umiskor ng 17 puntos, kabilang ang walo sa huling quarter, bukod sa pitong rebounds at limang…

Read More

4-DAY WORK WEEK SUBUKAN NGAYONG DECEMBER — SOLON

4-DAY WORK WEEK

(NI BERNARD TAGUINOD) PINASUSUBUKAN ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga employers at maging sa gobyerno  ang 4- Day work week scheme dahil hindi lamang ang mga manggagawa umano ang makikinabang kundi ang mga negosyante at estado. “Subukan lang natin po for the month of December. Pagbigyan po natin ang mga empleyado na napakaraming oras ang nauubos sa traffic-oras na dapat ay para sa pamilya,” ani House minority leader Bievenido Abante sa press conference nitong Miyerkoles. Ayon sa mambabatas, hindi dapat matakot ang mga empleyado lalo na ang…

Read More

P95-B KITA NG MAGSASAKA NAGLAHO SA RICE TARIFF LAW

(NI BERNARD TAGUINOD) NAGLAHO na parang bula ang tinatayang P95 bilyon kita ng mga magsasaka sa buong bansa dahil sa Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication and Liberalization Law. Ito ang nabatid sa mga militanteng mambabatas na nagpapaimbestiga kung bakit nadedelay ang irrigation projects ng National Irrigation Administration (NIA) at maging umano’y mga depektibo at hindi nagagamit na makinarya na binili ng Department of Agriculture (DA) para tulungan ang mga magsasaka. Sa House Resolution (HR) 539 na iniakda nina Bayan Muna party-list Reps. Carlos Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia…

Read More

EX-COMELEC CHAIR ANDRES BAUTISTA TUTUGISIN

(NI KIKO CUETO) IPINAHAHANAP ni Senador Vicente “Tito” Sotto III sa National Bureau of Investigation ang impeached na Commission on Elections chair na si Andres Bautista na matagal na umanong nagtatago at iniiwasan ang arrest order na inilabas ng Senado laban sa kanya. “There was a standing warrant of arrest for the former chairman of the Comelec Andy Bautista,” sinabi ni Sotto habang nagsasagawa ng 2020 budget ng Department of Justice (DOJ). Muli itong pinalutang ni Sotto dahil attached agency naman umano ang NBI sa DOJ. Ipinag-utos ng Senado na…

Read More

OFW MAGKAKAROON NA NG OSPITAL

(NI BERNARD TAGUINOD) MAGKAKAROON na ng sariling pagamutan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at maging ang kanilang mga pamilya matapos aprubahan sa committee level sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang nasabing panukala. Walang tumutol nang isalang sa botohan ang House Bill 168 o “Overseas Filipino Workers Hospital Act” sa House committee on ways and means na magtatakda  ng pondo sa nasabing pagamutan. Base sa nasabing panukala, magtatayo ang gobyerno ng ospital para sa mga OFWs at kanilang mga dependents na tututok sa kanilang mga medikal na pangangailangan. Ayon kay House committee…

Read More

BAGYONG RAMON PA-EXIT NA, BAGYONG SARAH NASA PAR

BAGYONG USMAN-2

(NI ABBY MENDOZA) SA loob ng 24-oras ay dalawang bagyo ang patuloy na magpapaulan sa Northern Luzon matapos pumasok na rin ng Philippine Area of Responsibility(PAR) ang bagong bagyong Sarah. Sa pinakahuling weather bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration(PAGASA), humina na ang bagyong Ramon matapos itong maglandfall sa Cagayan. Huling namataan ang Bagyong Ramon  sa may Roxas, Isabela, taglay ang hangin na 55 kph at pagbugso na 90 kph at  kumikilos sa bilis na 20 kph. Mas hihina pa ang bagyong Ramon at  posibleng maging isang Low Pressure…

Read More

PAG-BAN SA VAPE, HINAY-HINAY LANG – SOLON

(NI BERNARD TAGUINOD) PINAGHIHINAY ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang gobyerno sa pagba-ban sa vape o e-cigarette products dahil wala pa umanong matibay na ebidensya na nagdudulot ito ng sakit sa lalamunan. Ginawa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-ban nang tuluyan ang vape na ginawang alternatibo sa sigarilyo, matapos magkasakit umano ang isang dalagita sa Cebu. “While I understand our health authorities, their position however is more of a knee-jerk reaction, without the proper information.  It is very…

Read More