(NI KIKO CUETO) INILABAS na ng Department of Transportation (DOTr) inter-agency Technical Working Group (TWG) ang opisyal na otorisadong motorcycle taxis, na aabot sa 16,255 driver. Ito’y base na rin sa pagpasok ng dalawa pang bagong players sa industriya. Base sa official data na nakuha sa Motorcycle Taxi Pilot Run TWG, ang opisyal at otorisadong bilang ng Angkas ay 7,471 na driver, habang ang bagong ride hailing motorcycle taxis na Joyride ay may 6,907 na driver at ang Move It ay may 1,877. “This will therefore set the record straight…
Read MoreAuthor: Jet
YULO, OBIENA TUTULUNGAN NG PSC, PSI
(NI ANN ENCARNACION) HANGAD ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Sports Institute (PSI) na mapasakamay nina gymnast Carlos “Caloy” Yulo at pole vaulter Ernest John Obiena ang mailap na Olympic gold. Kaya’t bumuo sila ng Team Yulo at Team Obiena para hindi makawala ang pinakaunang gintong medalya ng Pilipinas sa kada apat na taong Olympics na gaganapin ngayong taon sa Tokyo, Japan. Hindi pa nakaka-ginto ang bansa sa Olympics sa loob ng pitong dekadang pagsali nito sa pinakaprestihiyosong sports competiton sa buong mundo. Ayon kay PSC Chairman William ‘Butch’…
Read MoreGOODBYE JUDAY, HELLO LIZQUEN
(NI BEN BAÑARES) MAGWAWAKAS na ang fantaseryeng Starla ni Judy Ann Santos. Ito ba ang papalitan ng Make It With You nina Liza Soberano at Enrique Gil? Narito ang ilang showbiz insights ng spirit questor na si Atty. Nick Nangit para sa 2020: “Hindi na makalulusot ang prangkisa ng ABS-CBN sa Kongreso. Mapipilitang magpalit ng may-ari at tagapamahala nito. Magwawatak-watak at sari-saring sisihan ang gagawin ng mga artista’t empleyado nito, lalo na iyung mga nagpagamit at iyung mga hindi nag-iisip pero maingay lang. May ilan sa kanilang ngangawa pa rin,…
Read MoreDEPT. OF RESILIENCE ISABATAS NA — SOLON
(NI NOEL ABUEL) IGINIIT ni Senador Christopher Bong Go na napapanahon nang maisabatas ang panukalang Department of Disaster Resilience. Ito ay kasunod ng serye ng lindol sa Mindanao at ang mapaminsalang bagyo na sumalanta sa Visayas at ilang bahagi ng Luzon noong Disyembre. Sinabi ni Go na dapat maging proactive ang lahat at mayroong departamento na tututok sa disaster preparedness at pagtugon sa mga epekto nito. Idinagdag pa nito na makatutulong aniyang mapabilis ang pagbangon ng mga biktima ng kalamidad kapag mayroon nang nakatutok na iisang ahensiya ang pamahalaan. Dagdag…
Read MorePRESYO NG BEEP CARDS TUMAAS NG P10
(NI KIKO CUETO) TUMAAS na ang presyo ng mga Beep Cards na ginagamit sa mga tren sa Metro Manila. Simula Enero 1, tumaas na sa P30 ang Beep Cards mula sa P20. Ito’y kasunod ng concession agreement sa pagitan ng Department of Transportation at AF Payments Inc, ayon na rin sa LRTA na siyang nagpapatakbo ng LRT 1. Isang joint venture sa pagitan ng Metro Pacific at ng Ayala Corp na AF Payments ang nag-ooperate ng Beep system sa MRT 3 at LRT Lines 1 at 2. Una itong ipinatupad…
Read MoreDELAY SA PAGPIRMA SA NAT’L BUDGET WALANG EPEKTO SA EKONOMIYA
(NI BERNARD TAGUINOD) KUMPIYANSA ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na hindi makaaapekto sa ekonomiya ang anim na araw na delay sa pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion. Ayon kay House committee Information and Communications Technology chair Victor Yap, ng Tarlac, wala itong nakikitang indikasyon na magkakaroon ng malaking epekto sa ekonomiya ang isang linggong delay sa pambansang pondo. “For a week, I don’t think it will affect the economy unlike last year when it was (delayed) like half a year almost,” ani…
Read MorePAGDINIG SA PRANGKISA NG ABS-CBN ITUTULOY SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) IBINASURA ng chair ng House committee on legislative franchise ang alegasyon na ginigipit at nais kontrolin ng administrasyong Duterte ang media sa kaso ng prangkisa ng ABS-CBN. Sa pahayag, sinabi ni Palawan Rep. Franz Alvarez na itutuloy ng mga ito ang pagdinig sa mga panukalang batas para sa ektensyon ng prangkisa ng nasabing tv network pagbalik ng mga ito sa trabaho simula Enero 20. “But we should all be reminded that under the law, the grant of a franchise is not a right, but a privilege. This…
Read MorePARTIAL DEPLOYMENT BAN SA KUWAIT IPATUTUPAD
KINUMPIRMA ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapatupad ng partial deployment ban sa Kuwait. Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello ito ay bunsod ng pagkabigo ng naturang bansa na bigyan ng proteksiyon ang Pinoy workers na nagtatrabaho doon at pagkamatay ng isa na namang domestic helper sa kamay ng malupit na amo. Si Jeanelyn Villavende ay namatay umano sa pagmamaltrato ng amo. Sa ilalim ng ipatutupad na partial deployment, wala munang bagong ipoproseso na deployment ng mga bagong OFW sa Kuwait. Ayon kay Bello, maglalabas siya ng official…
Read MoreKAWALAN NG TUBIG SA TAG-INIT, POSIBLE — NWRB
(NI KIKO CUETO) POSIBLENG muling magbalik ang mahina o walang tulo ng tubig sa gripo dahil hindi pa rin sapat ang mga pag-ulan para punan ang kakulangan ng imbak na tubig sa Angat Dam. Sa ngayon, ang lebel ng tubig sa Angat Dam ay nasa 202.6 meters. Mas nababa ito sa 212 meters na normal high water level. Ito rin ang itinuturong dahilan ng National Water Resources Board kaya’t hindi nila maibalik ang water allocation na46 cubic meters per second mula sa kasalukuyang 40 m³/s, sa Manila Water at Maynilad. “Kailangan…
Read More