(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINALAMPAG ni Senador Win Gatchalian nag mga telecommunication companies upang bumalangkas na ng mekanismo sa pagpapatupad ng Mobile Number Portability Act (MNPA) o ang pagkakaroon ng lifetime mobile number. Ipinaalala ni Gatchalian na siyang principal author ng batas na dapat ipinatupad ito anim na buwan matapos ang pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR). Nilagdaan ang batas noong February 2019 habang ang IRR ay inilabas noong June 11, 2019 kaya’t dapat epektibo na ito noon pang July 2, 2019. Una namang iginiit ng Globe na sa ibang…
Read MoreAuthor: Jet
PNP PINAHAHAWAKAN NI DUTERTE KAY AÑO
(NI DONDON DINOY) DIGOS CITY—-Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na hawakan muna ang Philippine National Police (PNP) sa loob ng dalawang taon bago sila bumaba sa pwesto. Kasama ni Duterte si Año na bumisita sa mga biktima ng lindol sa M’lang, North Cotabato noong Rizal Day, Disyembre 30. “Basta mga probinsya mahusay ang mga pulis. But in Manila? That’s why I did not appoint a PNP. Sabi ko kay General Año na hawakan niya muna. You fix the police so that by…
Read MoreDFA KUMIKILOS VS DINUKOT NA 2 PINOY SA CAMEROON PORT
(NI ROSE PULGAR) PATULOY na minomonitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kalagayan ng dalawang tripulanteng Pinoy na kasama sa walong kinidnap sa Cameroon port nitong Miyerkoles. Base report na nakarating sa DFA, sakay ang walong seafarers, kasama ang dalawang Pinoy sa Greek-flagged oil tanker, nang dukutin ang mga ito. Sa ngayon ay wala pang impormasyon ang DFA kung anong grupo ang dumukot sa mga biktima. Nakikipag-ugnayan ang embahada ng Pilipinas sa mga awtoridad sa Abuja na siyang nakasasakop sa Cameroon upang tiyakin ang kaligtasan ng dalawang Pinoy seafarers…
Read MorePRESYO NG LPG TUMAAS
(NI ROSE PULGAR) NAGPATUPAD ng malaking dagdag-presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang ilang kumpanya ng langis sa bansa sa unang araw ng 2020. Sa ipinalabas na advisory ng Petron Corporation, dakong alas- 12:01 ng hatinggabi nitong Enero 1, epektibo ang itinaas na P7.55 sa presyo ng kada kilo ng kanyang Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P83.03 na dagdag-presyo sa bawat 11 kilogram na tangke ng LPG nito. Bukod pa sa lpg, nagtaas din ang Petron sa kanilang Auto Xtend LPG sa P4.25,na kada litro na karaniwang ay ginagamit…
Read MoreDOBLE-UMENTO SA PULIS, SUNDALO, IDINEPENSA NI DUTERTE
(NI DONDON DINOY) DIGOS CITY—Idinepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdoble ng sweldo sa mga pulis at sundalo dahil sa ilang mga rason. Ayon kay Duterte, sa dinaluhang ika-60 taong founding anniversary ng kanyang Alma Mater sa sekondarya na Cor Jesu College noong Disyembre 30, nakatanggap siya ng mga reklamo tungol sa umento ng mga pulis at militar. “I’ve been hearing a lot of complaints bakit ‘yong sa mga pulis doblado. Bakit sa maestra hindi pa. This country is a troubled land. I need soldiers and policemen, who are not afraid…
Read MorePHL SPORTS 2019: MAKASAYSAYAN, MATAGUMPAY
(NI VT ROMANO) MAGANDA ang naging pasok ng 2019 sa Philippine sports at lalong maganda ang naging pagtatapos nito. PACQUIAO PANALO; DONAIRE TALO Bumalik sa American soil si eight-division world champion Manny Pacquiao nang labanan si Adrien Broner noong Enero sa Las Vegas. Iyon ang muling pagtapak ni Pacquiao sa Amerika matapos ang dalawang taon, kung saan sinubukan niyang lumaban sa Australia at Malaysia. Tinalo ng Fighting Senator si Broner sa pamamagitan ng unanimous decision at napanatili ang regular WBA welterweight crown na kanyang talunin si Lucas Matthysse sa Kuala…
Read MoreMANDATORY EVACUATION CENTER SA BAWAT LUNGSOD, IGINIIT
(NI DANG SAMSON-GARCIA) ISINUSULONG ni Senador Bong Go ang paglalagay ng evacuation center sa lahat ng lungsod, lalawigan at munisipalidad sa buong bansa. Sa kanyang Senate Bill 1228, iginiit din ni Go ang paglalaan ng pondo para sa pagtatayo ng mga evacuation center. Ipinaliwanag ni Go sa kanyang panukala na alinsunod sa Konstitusyon, mandato ng gobyerno na protektahan ang buhay, ari-arian at kapakanan ng sambayanan kasabay ng pagpapanatili ng peace and order. Binigyang-diin ng senador na madalas na tinatamaan ng kalamidad ang bansa dahil sa lokasyon nito sa “Pacific Ring…
Read MoreLIZ-QUEN, MAGTATAYO NG BAGONG NEGOSYO
(NI BOY ABUNDA) KAMAKAILAN ay nagbukas na ang ikalawang sangay ng Hope Wellness Spa na pag-aari ni Liza Soberano. Ayon sa kasintahan ng aktres na si Enrique Gil ay balak na rin nilang magsosyo ngayong 2020 para sa isang bagong negosyo. “We’re really planning on opening up our own wellness resort spa. I love the ocean kasi and we actually enjoy getting massages, and all things natural. My mom is a big health freak, she really became strict with her diet. She went vegan for a time and ang dami…
Read MoreILANG KALSADA SA R. BLVD ISASARA SA RIZAL DAY
(NI RENE CRISOSTOMO) BUKAS, Disyembre 30, araw ng paggunita sa ika-123 taong kamatayan ng bayaning si Dr.Jose Rizal ,magpapatupad ng road closure at traffic re -routing ang Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) sa Roxas Boulevard, Ermita,Manila. Ito ang napag-alaman kay PLt.Col Carlo Magno Manuel, hepe ng Manila Police District-Public Information Office ,na magsisimulang isara simula 6 :00 ng umaga ang North at South bound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak hanggang T.M. Kalaw. Lahat ng sasakyan ay dadaan sa southbound mula sa Delpan bridge-Pier ay dapat kumaliwa sa P.Burgos…
Read More