(NI JESSE KABEL) KINUMPIRMA ni newly confirmed Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang isang US report na ang Jolo cathedral bomber na si ASG leader Hatib Sawadjaan ay tumatayo na ngayong Emir ng ISIS-Philippines . Ayon kay Secretary Año, si Sawadjaan ang kasalukuyang kinikilalang Isis Emir sa Mindanao matapos ang Marawi siege kapalit ng napaslang na si ASG leader at itinalagang ISIS emir sa Southeast Asia na si Esnilon Hapilon. Subalit. si Sawadjaan ay hindi umano kasing radikal kung ikukumpara kay Hapilon na nanumpa sa ISIS. Si Sawadjaan ay…
Read MoreAuthor: Jet
DFA NAKATUTOK SA MGA PINOY SA PARIS FIRE
(NI ROSE PULGAR) PATULOY na minomonitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang malagim na naganap na sunog tumupok sa isang apartment sa distrito ng Paris kung saan maraming mga Pilipino ang naninirahan. Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Paris,nakikipag-ugnayan na sila sa mga otoridad upang matukoy kung may mga Pilipino na kabilang sa 10 nasawi at 37 sugatan sa nasabing sunog na tumupok sa walong palapag ng apartment building sa Erlanger sa ika-16 na distrito nitong nakalipas na Martes. Kasabay nito, ipina-abot ng embahada ang pakikiramay mula kay Ambassador…
Read MoreASEAN GAMES 2019 PINATUTUTUKAN NI PACQUIAO
(NI NOEL ABUEL) IPINATITIYAK ni Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao sa mga ahensya ng pamahalaan na tiyakin na nag-uusap ang mga ito kaugnay ng gaganaping 30-taong Southeast Asean Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11, 2019. Ayon sa Pambansang Kamao, dapat na matiyak na hindi mapapahiya ang bansa sa muling pagho-host ng ASEAN Games. Aniya, naglaan na ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Comittee ng P7.5 bilyon para sa paghahanda at operasyon nh naturang palaro. Gayundin, natukoy na rin ang mga lugar na pagdarausan ng 55 uri ng palakasan kabilang ang…
Read MoreBAKAL NG ESTRELLA BRIDGE IDO-DONATE SA PANGASINAN
(NI ROSE PULGAR) NAGKASUNDO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na i-donate na lamang sa probinsiya ng Pangasinan ang mga bakal na bahagi ng Estrella-Pantaleon Bridge na isasailalim sa rehabilitasyon upang magamit muli ito at makabuo ng isang panibagong tulay. Ang naturang hakbangin ay napagkasunduan sa pagpupulong nitong nakarang linggo nina Executive Secretary Salvador Medialdea; DPWH Secretary Mark Villar; MMDA Chairman Danilo Lim; MMDA general manager Jojo Garcia; ng mga opisyal ng Pangasinan na sina Governor Amado Espino III, Congressman Amado Espino Jr. at dating DOTR Usec.…
Read More‘WALANG RECLAMATION PROJECT SA MANILA BAY’
(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY KIER CRUZ) WALA umanong sinuman ang binigyan ng permiso ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para magsagawa ng reklamasyon sa Manila Bay. Ito ang tiniyak ni Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu dahil ang kautusan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawin ang lahat para maibalik ang ganda ng Manila Bay at ipinatutupad lamang ang mandamus order ng Supreme Court (SC) na isailalim sa rehabilitasyon ang Manila Bay. Gayunman, ibinulgar ni Cimatu na inatasan ni Duterte ang NEDA na magsagawa ng pag aaral …
Read MoreSABOTAHE SA PLEBISCITE NAPIGILAN
(NI JG TUMBADO) ITINUTURING ng awtoridad na matagumpay ang ikalawa at huling plebesito para sa Bangsamoro Organic Law o BOL sa Maguindanao sa kabila ng kaliwat kanang tensyon at kaguluhan na bumalot sa lugar. Bago simulan ang pagbubukas ng mga presinto, ilang lugar ay tatlong magkakasunod na pagsabog ang yumanig nitong araw ng Martes sa ilang bayan ng Lanao del Norte. Batay sa impomasyon mula sa Joint Task Force (JTF) Plebisito, unang naitala ang pagsabog sa likod ng municipal hall ng Kauswagan bandang alas-4:50 ng hapon. Sumunod ang ikalawang pagsabog…
Read MoreDIOKNO ISA-SUBPOENA NA NG KAMARA
(NI CESAR BARQUILLA) IPINASA-SUBPOENA na ng House Committee on Appropriations si Budget Secretary Benjamin Diokno matapos hindi siputin ang pagdinig ng komite sa ika-limang pagkakataon. Una nang nag-mosyon si Rep. Vicente Veloso na inaprubahan naman ng komite na pinamumunuan ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., Dahil dito, inoobliga na si Diokno ng Kamara na humarap sa hearing patungkol sa mga isyu sa national budget at sa DBM. Kaugnay nito, nakahanda naman ang Kamara na magpatawag ng pagdinig kahit naka-break na ang sesyon para sa paghahanda sa kampanya sa 2019…
Read More2 INDIAN SA TRAINING PLANE NAWAWALA
Ni Mhike R. Cigaral BALANGA CITY – Pinaghahanap na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang dalawang Indian national na sakay ng isang training Cessna aircraft na biyaheng Plaridel-Subic-Plaridel. Ayon sa source, pabalik na sana sa Plaridel, Bulacan ang aircraft nang mawalan ito ng contact pagdating sa Santa Rita, Olongapo City. Huling nakita ang aircraft noong Lunes ng alas-8 ng umaga. Ang aircraft ay pagaari ng Fliteline Aviation School na nakabase rin sa Bulacan. Tumanggi naman ang pamunuan ng flight school na magpaunlak ng panayam para umano makatutok…
Read MoreCRIMINAL, CIVIL CASE VS NOYNOY, ET AL HIRIT SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) INIREKOMENDA ng dalawang komite sa Kamara na sampahan ng kasong kriminal at sibil sina dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at Budget Secretary Florencio Abad sa isyu ng Dengvaxia. Sa inilabas ng Committee report ng House committee on Good Government na pinamumunuan ni Camiguin Rep. Xavier Jesus Romualdo at Committee on Health ni Quezon Rep. Angelina Tan, inirekomenda ng mga ito na kasuhan ng Technical Malversation of Public Funds sina Aquino, Abad at dating Health secretary Janette Garin. Kaugnay ito sa ilegal na paggamit sa P3,556, 155, 900…
Read More