BAKAL NG ESTRELLA BRIDGE IDO-DONATE SA PANGASINAN

tulay6

(NI ROSE PULGAR)

NAGKASUNDO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na i-donate na lamang sa probinsiya ng Pangasinan ang mga bakal na bahagi ng Estrella-Pantaleon Bridge na isasailalim sa rehabilitasyon upang magamit muli ito at makabuo ng isang panibagong tulay.

Ang naturang hakbangin ay napagkasunduan sa pagpupulong nitong nakarang linggo nina Executive Secretary Salvador Medialdea; DPWH Secretary Mark Villar;  MMDA Chairman Danilo Lim;  MMDA general manager Jojo Garcia; ng mga opisyal ng  Pangasinan  na sina Governor Amado Espino III, Congressman Amado Espino Jr. at dating  DOTR Usec. Tim Orbos.

Ang nasabing donasyon ng mga mapapakinabangan pang bakal ay unang tinalakay ni Orbos at ni MMDA GM Garcia kung saan iginiit ng nauna na nakatuon ang pamahalaan sa pagbibigay ng mga pagsisikap na mapanatili at mabawasan ang mga mapanganib na epekto ng pagmamanupaktura sa kapaligiran.

“After its demolition, the steel remnants of Estrella-Pantaleon bridge will be transported to Pangasinan and will be reused as steel frames for the planned Santiago Bridge as they are still in mint condition,” ani Orbos.

Ayon pa sa DPWH at MMDA, ang gobyerno ay aktibong nagpo-promote ng sustainable consumption sa mga namumuhunan sa imprastraktura bilang suporta sa mga Sustainable Development Goals na ipinangako ng Pilipinas na susuportahan.

“This move will reduce economic and environmental costs to the government. Instead of acquiring again material of the same kind for constructing a bridge, we will just make use of what we already have that are still structurally sound,” paliwanag naman ni GM Jojo Garcia.

Ang walong taon na Estrella-Pantaleon Bridge na kumokonekta sa mga lungsod ng Makati at Mandaluyong ay ide-demolish at papalitan upang magamit ng mas maraming motorista sa pamamagitan ng pagpapalawak nito na hanggang four lanes mula sa kasalukuyang two lanes lamang. Sinabi rin ng DPWH na palakasin ang tulay upang maging earthquake-resistant ito.

Kaugnay nito, ang mga ido-donate na bakal ay magsisilbing “frame structure” hinggil sa planong gagawing Santiago Bridge na magkokonekta sa pitong barangay ng Bolinao, Pangasinan sa isla ng Luzon.

“This will mean progress to the more than 20,000 residents of the island,” ani Governor Amado “Pogi” Espino. Inaasahang matatapos ang nasabing proyekto sa 2021.

 

372

Related posts

Leave a Comment