BAHAGI NG MANILA BAY ISASARA

rehab

ISASARA Miyerkoles ng umaga ang ilang bahagi ng Manila Bay kasunod ng pagdagsa ng publiko at maligo sa dagat sa kabila ng matinding polusyon ng tubig. “Ire-renovate na siya (it will be renovated) to become world-class,” sabi ni Environment Undersecretary Benny Antiporda. Babakuran ang buong kahabaan ng Baywalk sa Roxas Boulevard, mula US Embassy hanggang Manila Yacht Club gamit ang orange plastic barriers. Naglagay na rin ng karagdagang warning sign na nagbabawal maligo sa lugar. Ito ay bunsod ng insidenteng nalunod at patuloy na nasa kritikal na kondisyon ang 11-anyos…

Read More

PAGTAAS NG KASO NG TIGDAS NAKAAALARMA NA

tigdas1

(NI KIKO NIETO) NAGHAYAG ng pagkabahala ang isang opisyal ng San Lazaro Hospital dahil sa pagdami ng bilang ng mga may tigdas na itinatakbo sa kanilang ospital. Aabot sa 248 na kabataan at 21 na adult ang ginagamot ngayon dahil sa tigdas, sa San Lazaro Hospital. Sinabi ni San Lazaro Hospital spokesperson Dr. Ferdinand de Guzman, na noong Lunes lang, pito ang namatay, at tatlo roon ay  komplikasyon sa tigdas. Sinabi pa ni De Guzman na noong isang linggo, siyam na bata ang namatay dahil sa tigdas. Naghayag ng pagka-alarma…

Read More

MARIA RESSA KAKASUHAN NG CYBER LIBEL NG DoJ

maria

(NI TERESA TAVARES) KAKASUHAN ng Department of Justice (DoJ) ng cyber libel ang CEO ng Rappler na si Maria Ressa at isang dating  reporter kaugnay sa istoryang lumabas sa nasabing news site noong 2012. Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na inirekomenda ng mga  investigating prosecutor ang pagsasampa ng cyber libel case laban sa Rappler, Inc., kay Ressa, at Reynaldo Santos, Jr. Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng negosyanteng si Wilfredo Keng sa National Bureau of Investigation (NBI) na iniulat ng Rappler na sangkot sa mga kriminal na aktibidad. Sa ulat…

Read More

DISQUALIFICATION NG MAG-ASAWANG CAYETANO HININGI

caye1

(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY MJ ROMERO) KINUWESTIYON sa Commission on Elections (Comelec),ang kandidatura ng mag-asawang Alan at Lani Cayetano bilang kinatawan ng District 1  at District 2 sa Taguig City. Si Alan Peter  ay nagsabing nakatira siya sa Barangay Bagumbayan  sa Taguig, habang si  Lani ay nagsasabing siya ng residente ng  Barangay Fort Bonifacio  sa kabila na ang mag asawa ay nakatira sa  Unit 352-A Two Serendra as Fort Bonifacio, Taguig. Martes ng tanghali ay nagsagawa ng pagkilos sa Comelec ang mga grupong gustong madiskuwalipika ang mag asawang Cayetano sa…

Read More

RIGODON SA PARTIDO IPAGBABAWAL

rigodon

(NI BERNARD TAGUINOD) SA layuning mapatatag ang political party system sa bansa, inayunan na sa committee level sa Kamara panukalang magbabawal sa mga pulitiko na bumalimbing o lumipat ng partido bago at pagkatapos ng eleksyon. Kasama ng panukalang ito sa substitute bill  na inaprubahan ng House committee on ways and means na pinamumunuan ni Nueva Ecija Rep. Estrelita Suansing tulad ng paglilibre ng buwis sa P1 milyon hanggang P10 milyon  political donations sa mga partido. Mismong si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang nagsulong sa panukalang nagbabawal sa mga pulitiko…

Read More

PEKENG PNP RUBBER SHOES KINUMPISKA

POLICE500

(NI JG TUMBADO) NASABAT ng pamunuan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang nasa mahigit 100 pares ng huwad na PNP rubber shoes sa inilatag na entrapment operation sa lungsod ng Quezon. Nagkakahalaga umano ang mga nakumpiskang counterfeit shoes ng P170,000 at ibinebenta umano sa hindi miyembro ng pulisya. Kasabay ng operasyon ay ang pagkakaaresto sa tatlong suspek na nakilalang sina Mark Corporal, 33; Lorenzo Celestial, 35, at Rail Ramirez, 25. Ayon kay CIDG Director Chief Supt. Amador Corpus, ang mga orihinal na pares ng sapatos ay ekslusibo lamang sa…

Read More

SEGURIDAD SA IKALAWANG PLEBISITO HINIGPITAN

bol400

(NI BONG PAULO) KIDAPAWAN CITY- Tiniyak ng PNP ang seguridad para sa ikalawang plebisito ng Bangsamoro Organic Law o BOL. Ito ay ayon kay 6th Infantry Division Philippine Army spokesperson Major Arvin Encinas sa panayam ng PSN/ PM. Mas hihigpitan pa ng mga otoridad ang pinapatupad na seguridad bago paman ang plebisito at all set na, dagdag pa ni Encinas. Nagsagawa na din anya sila ng review activity sa nakaraang plebisito upang maiwasan ang anumang pangyayari. Samantala, abot sa 582 na mga pulis ang naipakalat simula pa Martes ng hapon…

Read More

BOMBA SA MOTORSIKLO SUMABOG SA CHECKPOINT

motor300

(NI JG TUMBADO) PINASABOG ng isang hindi pa kilalang lalaki ang kanyang sinasakyang motorsiklo gamit ang itinanim na improvised explosive device (IED) malapit sa isang police at army checkpoint sa Barangay Tambunan, Talayan, Maguindanao Martes ng tanghali. Ayon kay Major Arvin Encinas, tagapagsalita ng 6th Infantry Division-Philippine Army, pasado alas 3 ng hapon ng sumabog ang motorsiklo ilang metro ang layo sa isang checkpoint na ipinatutupad ng AFP at PNP sa naturang lugar. Base sa paunang imbestigasyon, papalapit na sana sa checkpoint ang motor lulan  ang isang lalaki nang biglang…

Read More

LGUs SA BUONG BANSA OOBLIGAHIN SA CCTV

cctv3

(NI LILIBETH JULIAN) OOBLIGAHIN ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng lokal na pamahalaan na maglagay ng mga CCTV camera partikular sa matataong lugar. Ang mungkahi ng DILG ay kasunod ng naganap na malagim na twin bombing sa Cathedral of Our Lady of Mount Carmel sa Jolo, Sulu noong Enero 27 na nagresulta sa pagkasawi ng 22 katao at pagkasugat ng higit 100 pa. Ayon kay Interior Secretary Eduardo Ano, dapat ituring na basic value ng LGUs ang paglalagay ng mga CCTV camera gayundin…

Read More