SEGURIDAD SA IKALAWANG PLEBISITO HINIGPITAN

bol400

(NI BONG PAULO)

KIDAPAWAN CITY- Tiniyak ng PNP ang seguridad para sa ikalawang plebisito ng Bangsamoro Organic Law o BOL. Ito ay ayon kay 6th Infantry Division Philippine Army spokesperson Major Arvin Encinas sa panayam ng PSN/ PM.

Mas hihigpitan pa ng mga otoridad ang pinapatupad na seguridad bago paman ang plebisito at all set na, dagdag pa ni Encinas.

Nagsagawa na din anya sila ng review activity sa nakaraang plebisito upang maiwasan ang anumang pangyayari.

Samantala, abot sa 582 na mga pulis ang naipakalat simula pa Martes ng hapon sa pitong mga bayan sa lalawigan ng North Cotabato para sa plebisito.

Ayon kay Regional Director Police Chief Supt Eliseo Tam Rasco, simula pa Martes hanggang sa Pebrero-8 mananatili ang nasabing bilang ng mga pulis upang tiyakin ang seguridad sa lugar.

Ang mga pulis ay mula sa iba’t ibang hanay ng PRO 12 Regional Headquarter, Regional Mobile Force Battalion, City/Provincial Mobile Force Company, alert company, EOD (2).

Sa nasabing bilang, 100 sa kanila ang sinanay na maging Board of Election Inspectors.

Mismong si PNP chief Oscar Albayalde ang tumungo sa Midsayap,  North Cotabato kahapon upang tiyakin ang seguridad sa aktibidad sa Miyerkules.

316

Related posts

Leave a Comment