TOP 10 IMPORTERS SA CEBU, KINILALA

BOC-PORT OF CEBU-2

KASABAY ng pagdiriwang ng kanilang ika-136 anibersaryo, binigyang pagkilala ng Bureau of Customs-Port of Cebu (BOC-Cebu) ang ambag ng 10 pribadong kumpanyang nagbigay-daan para mahagip ng naturang distrito ang itinakdang buwang collection target. Kabilang sa mga pinarangalan ang Filoil Logistics Corp., Seaoil Philippines Inc., Ecossential Foods Corp., Therma Visayas Inc., Steelasia Manufacturing Corp., AD Gothong Manufacturing, Kepco SPC Power Corp., National Grid Corp. of the Philippines, Joyland Industries Corp., at ang Cebu Energy Development Corp. Bukod sa mga pribadong kumpanyang itinanghal bilang top importers, kinilala rin ang ambag ng mga…

Read More

DELIVERY NG MGA BALIKBAYAN BOX UMARANGKADA NA

MATAPOS na matengga ng halos isang taon bunsod ng kapabayaan ng ilang tukoy na international freight forwarders, sinimulan na ang pagde-deliver ng libo-libong balikbayan boxes na padala ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa kanilang mga kaanak sa bansa. Sa isang pahayag, tiniyak naman ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na personal niyang tututukan ang mga kaganapan kaugnay ng isinasagawang paspasan at puspusang paghahatid ng mga kahon-kahong padala ng mga OFW sa kani-kanilang pamilya. Batay sa mga ulat na natanggap ng ahensya, karamihan sa mga nakatenggang balikbayan box ay mula…

Read More

Abandonadong kargamento dinispatsa na P237M PASOK SA SUBASTA!

SA hangaring maibsan ang pagsisikip ng mga terminal container yard sa 17 distrito, tuluyan nang dinispatsa ng Bureau of Customs (BOC) ang mga abandonado at kumpiskadong kargamento. Sa tala ng BOC, tumatagin­ting na P237 milyon ang pumasok sa kaban ng pamahalaan mula sa mga sinubastang kargamento sa unang walong buwan ng kasalukuyang taon. Ayon sa pahayag ng kawanihan, umabot sa 318 “overstaying containers” ang isinalang sa public auction mula Enero hanggang Agosto, para sa kabuuang ganansyang pumalo sa P237,379,455. Samantala, umabot naman sa 519 containers ang winasak bunsod ng peligro…

Read More

NATENGGA NG MANUNUBANG INT’L COURIER

IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO KARANIWAN na ang pagbili ng pasalubong sa tuwing uuwi mula sa mahabang bakasyon. Gayundin sa mga manggagawang Pilipinong nakikipagsapalaran sa ibayong dagat para maitaguyod ang kanilang pamilya. Sa mahabang panahon ng kanilang pananatili sa ibang bansa, pinipili ng mga Pinoy overseas worker na bultuhan ang padala. Mga lambing ni darling, request ng mga tsikiting, padulas sa biyenan, mga pasabay ng kapwa OFW – ilan lang ‘yan sa mga laman ng balikbayan boxes na ibinibyahe galing pa sa bansa kung saan sila naghahanapbuhay. Gaano nga…

Read More

Nagdiwang ng kaarawan sa gilid ng ilog 4 TINANGAY NG FLASHFLOOD SA TANAY, RIZAL

RIZAL – Isa ang kumpirmadong namatay habang isang bata ang nailigtas at dalawa ang patuloy na nawawala matapos na tangayin ng malakas na agos ng tubig ang magkakapamilya sa bayan ng Tanay sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi sa kasagsagan ng pananalasa ng Super Bagyong Karding. Ayon kay P/Lt. Col. Rodolfo Santiago II, nangyari ang insidente habang ang mga biktima ay tumatawid sa Lanatin River sa Barangay Cayabu dakong alas-8:30 ng gabi. Bigla umanong lumaki ang tubig at lumakas ang agos sa ilog kaya natangay ang mga ito. Una nang natagpuan noong…

Read More

1,571 PAMILYA SA BULACAN INILIKAS DAHIL KAY ‘KARDING’

UMABOT sa 1,571 pamilya o kabuuang bilang na 5,239 Bulakenyo ang inilikas at napilitang sumilong sa iba’t ibang evacuation center sa lalawigan nang humagupit ang Super Typhoon Karding mula Linggo hanggang Lunes. Ayon kay Provincial Social Welfare and Development Office head Rowena J. Tiongson, 117 evacuation center ang kumupkop sa 1,571 pamilya kabilang ang 1,447 bata at 231 matatanda sa buong lalawigan. Ipinag-utos agad ni Governor Daniel Fernando ang pamamahagi ng family food packs (FFP) at non-food items (NFI) sa 176 pamilyang pansamantalang nanuluyan sa Obando Municipal Hall. Mismong ang…

Read More

MAG-UTOL NABITAG SA P7-M SHABU

RIZAL – Arestado ang magkapatid makaraang makumpiskahan ng halos P7 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation ng magkasanib na pwersa San Mateo PNP at Provincial Intelligence Unit sa bayan ng San Mateo sa lalawigang ito. Kinilala ang mga suspek na sina Diadema Babasa at Betty Babasa, kapwa nasa hustong gulang. Ayon sa ulat ni P/Col. Dominic Baccay, Rizal PNP Provincial Director, kay PRO4A Regional Director Jose Melencio Nartatez Jr., nakuha sa mga suspek ang isang bulto at pitong sanchet ng hinihinalang shabu na may timbang na 1.020…

Read More

P160-M damage sa agrikultura TYPHOON KARDING DEATH TOLL: 8

UMAKYAT na sa walo ang bilang ng mga namatay bunsod ng pananalasa ng Super Typhoon Karding sa Pilipinas, kabilang ang limang kasapi ng Bulacan Province-Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa San Miguel, Bulacan. Ayon kay Asec. Bernardo Rafaelito Alejandro, Civil Defense Deputy Administrator for Operations at tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa kasalukuyan ay walo na ang naitalang namatay dahil sa bagyo. Kabilang dito ang limang veteran rescuers na namatay sa flash flood sa Sitio Galas, Barangay Kamias ng nasabing bayan. Kasalukuyan pang…

Read More

Lingig, Surigao Del Sur mayor at team, namangha ‘BEST PRACTICES’ NG LAS PIÑAS LGU HINANGAAN

NAGPAABOT ng taos-pusong pasasalamat ang Las Piñas City Government kay Lingig, Surigao del Sur Mayor Elmer Evangelio at mga miyembro ng kanyang administrasyon dahil sa pagpili sa lungsod bilang halimbawa at pag-adopt sa pinakamagagandang gawaing ipinatutupad para sa isang progresibong siyudad. Kasama ni Mayor Evangelio ang kanyang department heads sa pagbisita sa Las Piñas na labis na namangha sa mainit na pagtanggap at mabuting pakikitungo sa kanila ni City Mayor Imelda Aguilar at Vice-Mayor April Aguilar. Sa isinagawang ‘benchmarking’ o pamantayan ng pagsusukat at paghahambing sa The Excelsior Hotel nitong…

Read More